Sa tuwing daraan ka
Inaasam na makasabay ka;
Sa tuwing nakikita ka
Ninanais na makapiling ka
Ngunit ano nga ba ako?
Para magustuhan ng isang tulad mo?
Paano mapapansin ang isang ako?
Kung maraming maikukumpara sa isang tulad ko.
