Matagal ko naman na sana tong pinigilan
Pero hindi ko maiwasang isipin na "teka baka meron naman"
Bakit naman hindi diba?
Kung palagi naman tayo ang magkasama
Tayo ang laging magkausap—umaga hanggang gabi
Tayo ang laging magkasama habang nagtatawanan at nag bibiruan
Pero bakit ganon—ulti mong nararamdaman ko parang biro lang?
Pati ang lahat ng kilos mo'y para bang kalokohan
Kalokohan na madalas ay walang katotohanan
Ganon na ba ako kahirap mahalin?
At ako'y hanggang panandalian lamang?
Sawa na ko sa landian, lokohan at lalo na sa biruan
Sa dinami dami ba naman kasi ng bibiruin mo ako pa—at yung feelings ko pa
Bakit naman ganon? ginagawa mo akong hanggang pansamantala lang?
Kung pwede namang suklian mo nalang.