Napaka ganda ng tanawin sa tuwing ika'y aking nasa harapan
Kahit na ikaw ay malayo kung pag mamasdan
Ang bawat mga ngiti mo ay kay sayang masilayan
Bawat kilos mo ay tinitignan ng hindi mo nalalaman
Ngunit hindi umaasa na ako'y iyong mapapansin
Dahil alam kong hindi ako 'yong babaeng tipong kapansin pansin
At dahil din alam kong meron pang babae na sayo'y may pag tingin rin
Yung mga babaeng may magagarang muka na para bang artistahin
Nais kong malaman mo na;
Ika'y aking laging pinag mamasdan sa tuwing ika'y daraan,
Ako ay laging natutulala sa tuwing ika'y aking tititigan,
Bawat mong ngiti ay nag papasaya sa akin—kahit na ito'y hindi para sakin,
At higit sa lahat IKAW AY GUSTO KO
At bago pa man matapos ang tulang ito gusto kong sabihin sayo na
Ikaw ay kinukunan ko ng litrato, gusto mo pasa ko sayo?
