XVII

139 2 0
                                    

Bakit ba sa sarili'y di maalis na ika'y gustohin?
Bakit ba hanggang ngayon ay ikaw parin?
Pinipilit ko namang kalimutan ka pero-- hindi ko kaya
Hindi ko kaya dahil lalo akong nasasaktan
Nasasaktan sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na "ayoko na tama na"
Dahil ikaw ay talagang gusto ko pa
Bakit ba kahit na anong gawin kong pag iwas ganon parin?
Bakit ba kahit anong pilit ko sa sarili ko na "hoy nasasaktan ka na tumigil ka na" ay ikaw parin?
Ikaw parin ang laging hanap hanap
Laging nais na makita
Minsan pa nga hindi ko maiwasang ika'y titigan
At minsan sayo'y matutula--
Na bigla nalang magigising sa katotohananang ako'y nag iilusyon na naman

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon