Naaalala mo pa ba nung masaya ka?
Masaya ka ng dahil sakin;
Naalala mo yung ako pa ang dahilan ng bawat pag ngiti mo?Bakit ganon?
Bakit iba na ang dahilan ng bawat ngiti at kaligayahan mo?
Kasalanan ko ba ito?Dahil winalangbahala ang pagpapapansin mo
Binalewala ang pagpapatawa mo
Binalewala ang mga paghihirap mo
Binalewala ang lahat noong ako pa ang dahilan ng bawat pag ngiti dyan sa labi moBakit ako ngayo'y nasasaktan?
Lalo na't nalaman kong meron ka nang ibang nililigawan--- ay mali kasintahan;
Mayroon ka nang kasintahan
Na kung saan ako sana--- ako sana ang nakalaan para doon
Ngunit ano?
Sinayang ko lang ang nag-uumapaw mong pagmamahal para sakin
At ikaw ay di binigyang pansin;
Pero mahal ako'y nasasaktan
Nasasaktan dahil hindi na ako ang dahilan ng lahat ng iyong kasiyahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/123588254-288-k417567.jpg)