Ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan
Maging ng kalungkutan
Napakasaya na ikaw ay aking nakilala
Dahil muli ay aking nadama
Nadama ang pahalagahan
Pero akin pang pinagiisipan
Kung tama ba 'tong nararamdaman
Dahil alam kong ika'y lilisan
At ako ay 'yong iiwan
Dahil darating ang araw na ikaw ay di na interasado
At lahat ng ating pinagsamahan ay magbabago
Lahat ng ala-ala ay mag lalaho
Lahat ng pangako ay mapapako
Pero kung magsasawa ka, ayos lang
Basta ako ay sabihan o kahit sakin ay ipaalam manlang
![](https://img.wattpad.com/cover/123588254-288-k417567.jpg)