Tuwing gabi ika'y nasa panaginip ko
Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko
Bakit nga ba ganito?
Kinalimutan na kita pero laging ganito
Sa tuwing ika'y nasa panaginip ko
Nasasaktan ako tuwing gigising ako
Dahil sa tuwing ika'y nasa panaginip ko
Ako'y mahal mo
Ako ang pinili mo
Ako ang piniling makasama mo
Ako ang nagpapasaya sayo
Ngunit paggising ko'y sakit lang ang dinaranas ko dahil sayo
Dahil sya ang tunay na mahal mo
Sya ang palaging kasama mo
At higit sa lahat sya rin ang pinili mo at hindi ako
Sino nga ba ako para piliin mo?
Pero teka kasama ba 'ko sa pag pipilian mo?
'Di bale ika'y malilimot ko rin
Hindi pa ngayon pero darating rin
Darating yung araw na ika'y limot ko na rin