XV

182 4 2
                                        

Pinipilit ang sariling ika'y limutin
At hindi na sana kita maalala
Lalo na sa tuwing ako'y nag-iisa
Pero bakit ba hindi ko magawa?

Lagi nalang ikaw ang nasa isip ko
Lagi kong naalala ang mga araw na tayo'y magkasama
Habang tayo'y magkayap sa isang tahimik na lugar
Na halos marinig na natin ang ating bawat pag hinga sa sobrang tahimik ng paligid

Habang tayo'y magkayap ang saya-saya ko
Dahil naririnig ko ang bawat tibok ng puso mo
Dahil ang ulo ko'y sakto lang sa dibdib mo
At habang tayo'y magkayakap ang 'yong mga mata'y sakin lang ang tingin
Sa bawat tanong ko ng "bakit"
Ang sagot mo'y "wala lang" sabay ngiti
Kaya ako'y pumikit at ngumiti rin
At ninais na sana "laging ganito"

Pero bakit ngayon hanggang alaala nalang ang lahat
Sa alaala nalang muli mangyayari ang lahat ng 'yon
At sa tuwing naalala ko ang mga 'yon ako'y nakulungkot
Dahil baka ni minsan hindi manlang ako sumagi dyan sa isip mo

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon