XXI

113 2 0
                                    

Aking pinagsisihan
Ang mga panahong ako sayo'y nakipag titigan
At dapat ikaw ay tinuring ko lang bilang isang kaibigan
At hindi isang ka-ibigan

Pano nga bang mapipigilan?
Kung ikaw lang ang nakakapansin sakin nung kapanahunan?
Nung ako'y para bang nasa kawalan—
At ika'y biglang sumulpot na para bang sisidlan
Sisidlan ang mga puwang na aking nararamdaman
At aking mga pinagdaraanan

Gusto mo bang malaman kung bakit ang lahat ay aking pinagsisihan?
Dahil napakaraming bagay ang aking nalaman
Sa nakaraan mong hindi ko inaakala
Hindi inaakala na ganon ka pala

Isa kang tao na "gusto mo lang ako, ngunit iba ang 'yong pakay"
Ikaw yung "ginugusto mo lang ang isang tao para makuha ang 'yong mga ninanais"
Ikaw rin yung "kilala mo lang ako kapag ika'y nag iisa at walang mapag libangan"
At mas lalong ikaw yung taong "kahit kailan hindi kayang mag sukli ng pagmamahal" yun bang pag mamahal na walang kahit anong kapalit

Sayang;
Ika'y gustong gusto ko pa naman
Ngunit ako'y nadidismaya sa aking nalaman
Pero salamat
Salamat sa panandaliang kilig at saya
Patawad kung hindi ko maibibigay sayo ang gusto mong ligaya
Dahil hindi ako yung tipo ng babae na ibibihay agad ang sarili para mahalin lang ng isang tulad mo
At lalong hindi ako yung babaeng magbibigay ng kaligayahang hanap mo.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon