Ang sarap sa pakiramdam na ika'y nasisilayan
Ako'y napapangiti ng hindi namamalayan
Ang iyong mga mata na kay sayang pagmasdan
Mga matang hindi nakakasawang titigan
Hindi ko alam pero laging ikaw
Laging hanap ng isang ako ang katulad mong ikaw;
Naiinis ako sa tuwing ika'y nawawala sa aking paningin
Dahil nais kong ika'y laging nasa paningin
Sana'y ako'y iyong mapansin
Kahit na ako'y hindi kapansin-pansin
Kahit na ako'y hindi kasing ganda ng iba
Kahit na ako'y hindi kasing puti tulad ng iba
Pero kaya ko namang ibigay ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng iba
Pangako ikaw lang wala nang iba
![](https://img.wattpad.com/cover/123588254-288-k417567.jpg)