Cupid ni Marion's POV
Cupid ni Rose: "Cupid ni Marion, maliban sa akin, sino pa ba ang nakakaalam sa ginawa mo?"
Cupid Me: "wala na Cupid ni Rose, ikaw lang ang sinabihan ko. pag sinabihan ko sina Cupid ni Dawn at Cupid ni Carl baka isumbong nila ako kay Papa Cupid. Ano ba kasing tong gulong pinasok ko."
Cupid ni Rose: "hey cheer up! at least may lovelife na yung alaga mo just like what you wanted, saka may magandang nagawa naman yung spell arrow, at least hindi nito sinasaktan ang puso ng alaga mo, galaging itong magpili ng dudupain nito! hehe"
Cupid Me: "wag ka ngang mag joke diyan, kailangan kong gumawa ng paraan para mawala yung powers ng spell arrow sa mga victim nito."
Cupid ni Rose: "eh ano naman ang gagawin mo? wala ka namang magagawa eh, ang dapat mo sigurong gawin eh ang sabihin ang totoo kay Papa Cupid, siya naman lang ang may alam kung papaano mawawala yung powers ng spell arrow."
Cupid Me: "ayoko ngang sabihin sa kanya ang totoo, baka kung anong parusang ibibigay niya sa akin. At saka, akala ko kaibigan kita, eh diba dapat ikaw yung dapat umintindi sa akin? please Cupid ni Rose, tulungan mo nalang ako dito"
Cupid ni Rose: "eh ano ba ang gagawin natin dito sa clouds? maya-maya mag memeeting na naman sa quarters, pag wala pa tayo doon baka makuha yung arrows ko pag nalate ako, palibhasa ikaw sanay ka namang makuha yung arrows mo, pero ako? I'm useless pag wala akong arrow Cupid ni Marion!"
Cupid Me: "shhhh shhh wag kang maingay, ayun yung second lover ni Marion oh!"
Ano kaya ang ginagawa ni Kurt sa school ni Marion?
Marion's POV
"Miss de Buenavista?" ha? ay ano ba yun? may tumatawag ba sa akin? "Miss de Buenavista?" ay pumpkin! @_@ teacher ko pala yun!
Marion: "eh. Miss? ano po ba yun?"
ang tanong ko sa kanya, eh pano ba kasi, nasa isip ko parin yung Kurt nayun at kung ano siya sa buhay ko. Bakit ba niya ako kilala? eto tuloy, para siyang problem solving na nakatatak sa utak ko. >_<
Miss Aris: "What is the meaning of GMT?"
ang question niya sa akin... hmmmm.... GMT? ano nga iyon? ano na ba pala ang oras ngayon? ah oo! 10:30 na pala~! I'm in my geography class na? So ano nga ba ang meaning ng GMT? Geographical Map of Thailand? Geographical Map of Toronto? ay ano ba? Geography Madness Turnado? Hahaha ginawa ko lang yung geographical madness turnado sa utak ko pero ano nga ba ang GMT? let me remember, napag-aralan ko yan ehhhh....
Book: Tourism Geography and What It's All About... page 345... Greenwich is the place from where all time zones are measured... AHA! alam ko na!
Marion: "GMT is Greenwich Mean Time miss Airis!"
sana naman tama yung answer ko...
Miss Aris: "Good, at least kahit na nag dedaydream ka sa klase ko eh alam mo rin naman pala ang discussions"
wew naka hinga ako ng maluwag dun ah?
Miss Aris: "So lets continue, GMT is sometimes called Greenwich Meridian Time because it is measured from the Greenwich Meridian Line at the Royal Observatory blah blah blah...."
Yes! thank you bell! natapos narin ang geography.. ang boring kasi ng araw na ito ngayon. sobrang destracted ako dun sa Kyle na yun kasi eh!
Lhaisa: "Uy Mars! hintayin mo kami!"
napalingon ako ng kaunti para magsmile kina Lhaisa at Shobee
Shibee: "galing mo kanina sa Geo ah?" tumawa ako ng mahina
Marion: "ano ba Shobee, hindi naman talaga ako magaling. Nagsastudy lang naman"
>_< heh mabuti rin at hindi ako tinatamad magbasa kagabi kung hindi baka wala akong ma answer ngayon HAHA saved by last night's perseverance!
Shibee: "ganun ba? hahaha ay teka Marion, samahan niyo muna ako ni Lhaisa sa registrar's office, may sasalubungin lang muna ako!"
sasalubungin? hmmm... sino naman kaya? O_o
Bago kami pumuntang Registrar's Office, tinignan muna namin ang bulletin board para sa mga news sa school. Mabuti naman at wala na yung I Love You Marion de Buenavista sa board nakakahiya talaga yung araw na yun, panay talaga ang tago ko nun sa mga kakilala ko sa school. Eh pano ba kasi, si Ivann Castro yung kuya ni Lhaisa nilagyan ng ganung message ang Bulletin Board, nakakahiya lang talaga, pero mabuti nalang at hindi na ako inaano ng Ivann Castro nayun, mabuti nalang at nag get lost na yun sa mundo, ewan ko nalang ni Lhaisa kung ano na ang ginagawa ng kuya niya sa buhay niya. Kesa habol ng habol siya sa akin, eh magtino na siya sa buhay niya.
Natapos na kami ni Lhaisang tumingin sa Bulletin Board pero hindi parin tumitigil si Shibee sa pagbabasa, parang nagmumurmur siya habang maybinabasa sa board.
Lhaisa: "Anong ginagawa niya?" (tanong kay marion)
Marion: "ewan ko Lhai, baka importante, antayin nalang natin siyang matapos"
Shibee: (biglang sumigaw) "Yesssss!" sabay talon
Lhaisa: "bakit shibee? anong meron?"
Shibee: "Nakapasa si Kuya!"
Tapos may narinig kaming parang lalakeng boses na nanggaling sa likod namin na nagsasabing "Ang cool ng kuya mo diba?"
Shibee: "Kuya Kurt!"
Huh? Kurt? Tumalikod ako para tignan ang sinasabing kuya ni Shibee...
Me ---> ^_^
-_-
o_o
O_O
Marion: "IKAW?!"
Kurt: "Shibee? kumusta na studies mo!"
Shibee: (napakalmot ng ulo) "kuya naman eh, wag sa harap ng mga kaibigan ko!" >_<
Kurt: (tumawa ng malakas) "okay okay hindi na"
Marion: "Hoy stalker! bakit nandito ka!" lumingon kay Shibee "Kuya mo ito?!" sabay turo kay Kurt
Shibee: "Aha" (nod nod) ^_^
Kurt: "Mag-lulunch na pala, treat ko kayo guys! Cafe Laguna!"
Marion: ano ba tong taong to? parang hindi lang ako nag exist? -_-
Shibee: "ah kuya! eto pala si Lhaisa at si marion"
Lhaisa: "Hi kuya Kurt!" ^_^
Kurt: "Hi Lhaisa!" =D
Marion: "Hi" (︺︹︺)
Kurt: (smile kay marion) "Sige doon na tayo sa parking lot, doon kasi nakapark auto ko eh"
Shibee: "talaga kuya? front seat ako ah?"
Kurt: "Of course my dearest!"
Aba! ikaw tong stalker ikaw pa itong hindi marunong ng proper greeting?! Heh! humanda ka sa akin Kurt Reyes! I'm gonna bite you! nggggeeeaawwww!! ♥
BINABASA MO ANG
Cupid Made a Mess (Completed)
RomancePapano kung limang lalake ang aksidenteng napana ni Cupid para iyo? Sino kaya ang pipiliin mo? All Rights Reserved 2017 © JhelleEnFrance