Chapter 12: Marion's Cupid

70 6 1
                                    



Cupid ni Marion's POV

Eto na ang siguro ang pinakamahirap na pangyayare sa buong cupid life ko. Nabigyan ko na ng problema ang alaga ko, nabigyan ko pa ng mutikang heart attak.

*Flashback*

Mabuti at nakauwi narin sila galing sa prisinto. Grabe na ito, di pa naman inaasahan ni Marion iyon. Dumeretso si Marion sa kwarto niya at humiga sa kanyang higaan. Siguro nga dahil sa gusto niyang makalimutan yung nangyare kanina ay tinakpan niya yung mukha niya ng unan.

"NAKAKAINIS!!! Bakit niya ako hinalikan sa noo? hah? sino siya para gawin iyon sa akin! Feeling siguro niya gusto ko siya pero tinutulungan ko lang naman siya para hindi na malungkot ang papa niya at para bilhin na nila yung lupang binebenta ni Mama! aba! kapag nabili na nila iyon, magiging milyonario na kami no! HINDI! hindi iyon totoo! friendly kiss lang iyon! pasasalamat... isa pa yung detective na iyon! nakakainis! akala mo kung sinong magaling! ang yabang yabang talaga!"

Para akong nanood sa isang taong baliw nung araw na iyon, kawawa talaga ang alaga ko, nagsasalita na sa sarili niya "Ano kaya ang gagawin ko para hidni kana magkaka ganyan?" Bigla nalang akong napasigaw ng narinig kong sumigaw si Marion "S-sino ka?" napatingin ako sa aking likod at sa magkabilang gilid. Wala namang ibang tao dito ah? si Marion lang. "wag kang tumingin-tingin kung saan-saan bata! Ikaw ang tinatanong ko!" huh? sinong bata? ako? bata? itinuro ko ang sarili ko. "Ako?" ang tanong ko sa kanya. Lalapitan ko sana siya pero sumigaw na naman siya kaya napalipad ako. "Baliw na ata ako?"

Pumasok ang mama ni Marion tapos ay parang takot na takot. "Marion? Anak? anong nangyare? bakit ka sumisigaw?" parang may sinilip si Marion sa likod ng mama niya "ah-eh, ano ah, nagpapractice lang akong kumanta mama" wiw! akala ko sasabihin na niya sa mama niyang nakita niya ako. "Ganun ba? akala ko may kung ano nang nangyare sa iyo. Aalis muna ako, may bibilhin muna ako doon sa supermaket, ubos na kasi yung stock natin sa ref." tumango lang si Marion tapos ay nagmadaling bumaba ng hagdanan yung mama niya. Bakit nga ba niya ako nakita? eh ang alam ko, malaya kaming gawin kung anong gagawin namin dito dahil hindi kami nakikita ng mga tao ah? Sinubukan kong tumapak sa sahig at nakita kong parang may nag-iba sa akin.

"Nandiyan ka na naman? baliw na ba ako dahil nakikita ko ang isang napaka gwapong batang multo na katulad mo?" *sigh ano kaya ang gagawin ko? kung mag-eexplain nalang kaya ako? "Marion?" parang nabigla siya nung tinawag ko siya "kilala mo ako?" *nod *nod "oh good kilala na pala ako ng mga multo ngayon!" "teka, magpapaliwanag ako, bastat makinig ka lang okay? wag kang sumigaw?" nag nod siya tapos nag-antay siya na magsalita ako. "Okay, so ganito yun... maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyo na ako ang personal cupid mo?" "huh? cupid? hindi.. hindi ako naniniwala!" Talaga? O_o hindi ka naniniwala?

"hinalikan ka sa noo ni Vince kanina diba?" "PAPANO MO NALAMAN YUN?! STALKER KA EH NO?!" Mariooooon? bakit ayaw mong maniwala? "O sige, sige sabihin nating personal cupid kita, bakit wala akong pakpak na nakita? hmmm?" O_o " eh baka matakot ka!" ang babala ko sa kanya. "Hindi... hindi ako matatakot! promise!" sabi mo ha? "okay! 1.. 2.. 3.." *poofff! "AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH cupid nga kita!!!!" Biglang pumasok ang mama ni Marion tapos nagtanong "May kausap ka Marion?" nagsmile si Marion ng kaunti tapos "nagpapractice lang ako para sa presentation namin sa lunes mama" parang hindi naniwala ang mama ni Marion kaya tinanong niya ito "Ang aga mu yata natapos mamili mama?" "ah-eh ano, close na kasi, hindi ako nakaabot, sa malapit nalang na tindahan ako bibili, sige, matulog ka na anak ah? maaga pa tayo sa simbahan bukas" "sige mama!"

Paglabas ng mama ni Marion sa kwarto, nagtilian kami at tumawa ng mahinam, baka marinig na naman kasi kami ulit. ^_^

*End of Flashback*

Linapitan ako ni Cupid ni Rose "huy! bakit panay ang ngiti mo diyan?" "ha? ah ano kasi... nagkwentuhan kami ni Marion kahapon." hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "nakipagkita ka sa mga tao? nakipagkita ka sa alaga mo?!" napatanong ako bigla "bawal ba iyon?" O_o "bawal? bakit bawal?" talaga? bawal? O_o nako patay may gulo na naman akong ginawa? "pati yun hindi mo natandaan sa Cupid school?" "eh bakit nga? anong meron?" "kasi sabi ni Teacher Cupid, kapag may taong makakakita sa atin, eh manganganib daw tayo... kaya pinagbabawal sa atin ang yumapak sa lupa! nako nagdadalawang isip na talaga ako sayo kung naka attend ka ba sa Cupid school, eh parang wala ka talagang alam eh!"

talaga? meh ganun pala? nako? anong gagawin ko ngayon nito? nasa panganib ba ako? baka dahil sa ginawa ko nilagay ko pa sa panganib ang alaga ko?

➳ ❥ Chapter 12: Marion's Cupid (Extended Part)

Cupid ni Rose: "Parang masaya ka yata Cupid ni Cheon Song Yi?"

Cupid ni Song Yi: "HAHAHAHA eh oo eh" =D

Cupid ni Marion: O_o "bakit naman?"

Cupid ni Song Yi: "kasi may napana akong Alien hahaha at binigay ko sa alaga ko"

Cupid ni Marion & Cupid ni Rose: "ANO?! PINAGLALARUAN MO ANG ALAGA MO?!"

A/N: Sa mga walang alam po sa pinagsasabi ng mga cupid na ito, Si Cheon Song Yi po ay isang fictional character galing sa Korean TV Show na "My Love From The Star" bakit ko po sila inilagay dito? hahha wala lang super nice kasi ng story, gusto ko sana e recommend ito sa iyo, sa mga nakapanuod na... congratulations! pareha na tayong addik sa Show na ito! apir tayo guys! may picture nga pala ng TV Show saka trailer... enjoy! ---->

Cupid ni Song Yi: "Hindi no! eh kasi destiny naman talaga silang dalawa! alam niyo yun! diba diniscuss yun sa Cupid school? kapag destiny ng mga tao ang isat isa wala tayong magagawa kung hindi eh hayaan silang mas maging in love sa isat-isa kahit na they are from two different worlds?"

Cupid ni Marion: "tama ka nga naman... pero teka, may discussion ba talaga sa Cupid School na ganyan? eh hindi ko natandaan eh?"

Cupid ni Rose & Cupid ni Song Yi: O_O "HINDI MO TALAGA NATATANDAAN ANG LAHAT NG DISCUSSIONS?!

Cupid ni Marion: "wala talaga eh..." (─‿‿─)

Cupid ni Rose & Cupid ni Song Yi: "NGGGEEEEEEEE?!" (╥﹏╥)

Cupid Made a Mess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon