Kier's POV7:30 na ng nakarating kami sa breadstix. Dumaan pa kami sa ibang mga real estate properties. I want tito Albert to be distracted para hindi niya mahalatang I'm planning something. Lumapit yung waiter sa akin at nagtanong "table for how many sir?" tinignan ko muna si Tito Albert. He's still talking with Marion's mom. Nag hand gesture nalang ako sa waiter na lima.
Pina-occupy kami ng waiter sa table na may limang upuan. Natigil ang pag-uusap ni Tito at ni Mrs. Tonette. "Kier? bakit lima yung upuan?" ano ba ang tamang excuse? "eh wala na daw po kasing ibang pwesto kaya binigyan tayo ng waiter ng pwestong may limang upuan." I saw Marion's confused expression pero I put my second finger on her lips and said "shh".
Nakaupo si tito Albert sa gitna habang nasa right side niya nakaupo si Mrs. Tonette katabi si Marion. I went to sit on tito albert's left side. At exactly 8:00, dumating na agad yung hinihintay kong dumating... Si Vince.
Vince's POV
Akala ko hindi na ako makakaabot, hindi pa pala sila nagsimulang kumain. =D "Tol!" tawag ko kay Kier, nakita ako si papa pero hindi niya ako pinansin. Umupo ako dun sa vacant seat na katabi ni Kier. Nalimutan ko... may kasama pala kami. Tumayo ako at ni offer ang kamay ko para mag shake hand. "Good Evening Mrs. de Buenavista, I'm Vince de los Santos."
To be honest, wala naman talaga akong pakealam sa mga pangyayare sa buhay ng papa ko eh, si Kier lang talaga ang nagsasabi sa mga nangyayare.
*Flashback*
Yes I'm Albert de los Santo's son. I'd like to be called his prodigal son. The only heir of de los Santos company I like to waste his money to gambling and vices. Kung bakit ako nagkakaganito? Eh dahil din naman ito sa kanya eh, ng dahil sa kanilang dalawa ni Mama. Hindi sila marunong tumingin sa paligid nila. lagi nalang silang nag-aaway, di nila alam na nasasaktan narin ako sa mga pinanggagawa nila. I want a happy family like everyone else. nang naghiwalay sila. I decide dot do things they don't like because that's my way of trying to get their attention.
I was on the club that evening, drinking, jaming with my friends bagong break lang kasi ako with my girlfriend and I was glad with the result. She dumped me? That's a relief! Ayoko rin naman sa kanya eh, sya lang itong lumapit sa akin. She begged to become my girlfriend, eh kahit na ayaw ko, kailangan kasi paghindi ko siya sasagutin, matatalo ako sa bet. "Vince!" si max pala, ang natatangi kong kaibigan. "Kumusta ka na Max?" nag order siya ng isang shot at umupo sa tabi ko. "May ipapaalaga lang sana ako sa iyo" napatawa naman ako sa sinabi niya "bro, wag mong sabihing tao yan?" "Hah, hindi no?" "eh ano ba kasi yan" may kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin. "wag mong buksan ngayon, mamaya na kapag ikaw nalang mag-isa" ang babala nito sa akin.
* RRRINGG*
Nag excuse ako kay Max para sagutin ang aking cellphone. "Oh Kier? napatawag ka?" "Nasaan ka? punta ka dito sa Breadstix, may ipapakilala sana ako sa inyo" may ipapakilala? "sige papunta na ako"
*End of Flashback*
"Good Evening Vince, You have a very handsome son Mr. de los Santos! nagmana sa ama" Natutuwa ako sa ginagawa ni Kier para sa akin. May malaking pakinabang talaga siya para sa akin. I noticed a beautiful girl beside dad's real estate agent, and then it snapped me. Wait! Is she that girl from my school?
Kurt's POV
Nasa bahay lang ako buong araw, tinatamad akong lumabas at makipaglaro sa barkada ko ng basketball. Ayoko din namang makita nila akong nagkakaganito. Sabi ng doctor, one week pa bago gumaling tong mukha ko. May ipinapainom silang gamot sa akin at pahinga lang daw ang katapat. "Oh heto kuya" inabot ni Shibee sa akin ang isang cold compress "salamat Shibee" umupo siya sa tabi ko at sabay kaming nanuod ng basketball sa TV.
"Kuya kumusta na kaya si Kuya Ivann noh?" tanong niyang bigla sa akin. "Ewan ko, hindi ko nga alam kung bakit siya nagalit bigla sa akin kahapon" sabay lagay ng cold compress sa aking pisngi. Sa totoo lang, nabigla talaga ako sa ginawa sa akin ni Ivann, wala naman kaming hindi pinagkakaunawaan nuon lalung-lalo na at kasama ko siya sa barkada at kasundo ko parate sa paglalaro ng basketball.
*Flashback*
Ano ba to? I've got the feeling hindi magiging maganda ang laro. Lagi nalang kaming nagtatie. Naabutan kami ng timeout tapos pinatawag kami agad ni Coach. "Focus guys! Focus! ano ba kayo! wag kayong magpatalo! Ikaw Ortiz, bantayan mong maigi si 33, mahina siya sa passing. ikaw naman Garcia, dun ka sa likod ni Ramirez dahil magaling ka sa defence. Okay we don't have much time left, Ikaw Reyes, alam ko kaya mo yung long range shot, e try natin yun, dapat di na tayo makakatie sa kanila." kahit na puyat na kaming lahat sa kakalaro, nakaya parin naming magconcentrate.
Habang nasa court pinasa agad ni Padillo yung bola sa akin at na alala ko agad yung sinabi sa akin ni Coach. Tumakbo ako papalapit sa may line freethrow circle ng kalaban para ma shot yung bola pero nabigla ako ng hinarangan ako ni Ivann. Alam kong hindi siya yung ka match ko, hindi siya yung nadapat na humarang sa akin pero hinarangan niya ako at itinulak. Napahiga ako sa court tapos napatitig ako sa kanya "Tol anong problema mo?" sabi ko.
*BOOOGGSSHHH
"Gago ka tol" sabi niya habang sinusuntok ang mukha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sinuntok ko din siya sa mukha at dumugo yung ilong niya, dumating ang mga coaches at mga kasama namin para paghiwalayin kami sa isat-isa. Lumapit si Lhaisa kay Ivann tapos nauna na silang nagpunta sa clinic.
*End of Flashback*
"Kuya galit ka ba sa akin?" Biglang tanong niya sa akin. "Bakit naman ako magagalit sa iyo shibee?" "Eh kasi hindi kita napuntahan agad sa court nung kinailangan ka nang dalhin sa clinic." Napayuko siya sa harapan ko "hahaha hindi no, hindi ako galit shibee, nagtatampo siguro, medyo" ^_^ joke ko sa kanya "yehey! Hindi ka galit! Haha" nag smile lang ako sa kanya tapos nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko ito agad. May message galing sa mga kaibigan ko. Hinahanap pala nila ako, sorry mga tol, di ako makakapunta. =(
Kier's POV
Kanina ko pa napapansing nakatitig si Vince ng husto kay Marion. Hindi ko tuloy na enjoy yung pagkain. Nakakawalang gana pala. Na out of place ako bigla, ayoko kasing sumali sa usapan ni tito Albert at ni Mrs Tonette kasi alam ko galit sa akin si tito ngayon sa ginawa ko. Sa susunod, sisiguraduin kong may magandang mangyayare sa akin kapag tatawagan ko si Vince sa mga ganitong okasyon.
Pagkatapos kumain, nagpunta kami agad sa may parking lot para ihatid sila Marion at Mrs. Tonette sa kanilang sasakyan. Lumapit si Vince sa akin at inakbayan ako. "Tol salamat sa pagpapapunta sa akin ngayon ah?" Sabi nito "wala yun no, eh dapat nga ikaw ang kasama ng papa mo ngayon hindi ak..." Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil sa tanong niya. "Tol anong pangalan ng magandang babae na nakasama nating kumain kanina?" "Marion" sabi ko "i like her" sabay smile. Kainis naman, ganito pala ang feeling ng pagseselos? Yung parang may kumuha sa isang bagay na pag-aari mo? Ganito pala ang feeling na crush mo ay crush din ng pinsan mo.
Akala ko dun na matatapos yung vince miserable moment ko, di pa pala. May mga pulis na dumating at ginapos si Vince sa harap naming apat. "Sumama ka sa amin sa prisinto, may police warrant kami" sabi nung isang police. "Teka, wala naman akong ginawang masama ah?" Ang pagdedefend niya sa sarili "basta sumama ka nalang" tapos tinulak siya sa police papalapit sa sasakyan nila.
"Teka, dad! Daddy, tulungan mo ako wala akong kinalaman dito promise! Daddy!"
BINABASA MO ANG
Cupid Made a Mess (Completed)
RomansaPapano kung limang lalake ang aksidenteng napana ni Cupid para iyo? Sino kaya ang pipiliin mo? All Rights Reserved 2017 © JhelleEnFrance