Chapter 28: The Truth

20 4 1
                                    



A/N: May nag Q&A bigla, ang tanong nila kung lahat ng tao may cupid bakit may mga taong nasasaktan parin o tumatandang walang kabiyak? Lol, gawa kaya ako ng story tungkol dun noh? Eh, di naman sa lahat ng panahon tatagal ang mga Cupid, may lifespan din sila kaya ilan sa kanila naunang mawala kesa sa mga inaalagaan nilang tao. Oh, yan na nasagot ko na tanong mo. Hahaha salamat uli sa pagbabasa! Dalawang Chapters nalang!


Chapter 28: The Truth

Lhaisa's POV

Naghintay lang ako na tawagan ni Kier, akala ko ako ang una niyang tatawagan pagkatapos ng ginawa ni Marionne sa kanya mali pala ako. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalapit sa taong di ko kilala. "Kuya" tawag ni Kier sa lalake tapos ay ni yakap siya nito. "Bro, wag ka umiyak nasa bar tayo." biro ng lakakeng ang tawag ni Kier ay kuya.

Sa pagkakataong ito, gusto ko sana siyang puntahan. Pero bigla nalang akong natauhan. Bakit ko nga ba ito ginawa sa simula palang. Ano ba talaga ang gusto ko? Do I really want Kier from the start? Or do I want revenge? Bigla nalang nag sync in sa utak ko yung lahat. I've never been so immature, ngayon lang nangyare ito. Alam ko may nagmamahal sa akin, si kuya Ivann, si Shibee at pati narin si Marion.

Wala akong kwentang kaibigan. Umalis na si Kier at ang kanyang kapatid sakay ng sasakyan nila. I felt so alone... Tumulo bigla ang luha sa aking mga mata halos di ko na makita ang dinadaanan ko, gusto ko umalis dito. Ayoko na dito, di na ako yung Lhaisang mabait at mapagmahal. Something's wrong with me... Linapitan ako ng isang lalake sabay abot ng drink "Miss you look terrible, inom ka muna with me, I can make you feel good." Dahil sa umaapaw ang aking pagkabigo at pagkalungkot galit ang lumabas sa akin na sa pagbabantang takwil ko sa lalake ay nabasa siya sa beer na inalok niya sa akin. Na gulat ako sa nangyare tapos nakita kong nag-iba ang kanyang tingin. "F*ck you!" sabay sampal. I felt worse than ever. Dali-dali na akong tumakbo papalayo sa bar dahil baka ano pang mangyare sa akin. Sumakay din ako ng taxi papauwi. I hate myself right now...

Mabuti nalang at wala si Kuya Ivann, pwede ako magdrama sa kwarto. Mabilis kong ni lock ang kwarto ko tapos umiyak sa isang sulok. Panget ba ako? Di naman ah. May mga manliligaw din naman ako nuon pati narin boyfriends, bakit si Kier di ko makuha? Takangtaka nalang ako ng maybigla akong naramdaman na nakahawak sa ulo ko. "Lhaisa, wag kang matakot. Ako cupid mo, wag kana malungkot, may dadating na magmamahal sayo." Buong akala ko ay tutuong may cupid ako, yun pala nagising nalang ako bigla. Panaginip lang lahat. 


Marion's POV

So far, I think I've changed... from the childish Marion, I am now more mature, kung baga I think like an adult, act like an adult somehow... Nasa ferry kami ni Fritz and I just felt the excitement na finally, babalik na kami. We're going back home!

Inilagay ni Fritz ang coffee sa table habang hawak-hawak niya ang kanya. "careful, mainit pa yan." tapos umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. "So, alam ko excited ka, pagdating natin sa maynila, anong una nating gagawin?" napahawak ko bigla sa aking cape, mainit ngaaa ano ba kinakabahan ata ako "Di ko alam Fritz, miss na miss ko na si mama, ang una unang gagawin ko ay uuwi ako sa bahay at ihuhug ko si mama tonette." ngumiti si Fritz tapos ay hinawakan ang aking kanang kamay na nakahawak parin sa cup "Oo naman, sabay tayong pupunta sa mama mo. Alam kong namimiss mo na siya ng husto and I will do anything to make my girl happy." I smiled "Thank you Fritz." tapos ay nagkiss sa aking forehead. 


***


This is it.

Lumabas na kami ni Fritz sa taxi dala-dala ko ang bouquet na ibibigay ko kay mama, tinignan ulit ni Fritz ang likod ng taxi to make sure na wala na kaming bagahe na maiwan. I was reluctant to went inside the door, my mind is saying I have to go inside however my body is not cooperating. I then suddenly feel that warm hand that has always been there throughout all of this. Binigyan ako ni Fritz ng warm smile, "Let's take a deep breath together, love." I nodded, I will never know where I will be at right now without Fritz. 

Pinindot ko ang doorbell tapos ay naghintay na may bumukas... every second counts pero kada segundong dumaan, mas lumalakas ang tibok ng puso ko hangang sa may bumukas sa pinto. "Marion? Anak?" so much tears came out from my mother's eyes, pati narin ako ay napaiyak ng husto. "Mama naman eh, buhay pa ako, wag ka umiyak ng ganyan" pabiro kong sabi sa kanya. Tapos tumawa nalang kami habang pinapahid yung mga luha sa aming mga pisngi. "Oh, Fritz masaya akong makita kayong dalawa, safe and sound" tapos ni yakap din ni mama si Fritz. "Kami din tita, we're so glad that we are able to go back home safely." kita ko ang saya sa mukha ni mama at dahil dun nawala ang kaba sa aking dibdib, mabuti nalang at okay lang si mama. "Halikayo pasok, gusto kong marinig lahat lahat ng nangyare sa inyong dalawa." Muntik ko ng malimutan "Mama" tawag ko sa kanya sabay bigay sa bouquet. "Salamat anak" tapos binitbit na ni Fritz ang aming mga kagamitan sa loob ng bahay habang patuloy kami sa pagkukwentuhan ni mama. 

Ang saya ko, parang wala ng bukas sa kasayahan na naranasan ko


Marionne's POV

I felt satisfaction as I went home and drove my car. Never in my entire life akong naging ganito ka empowered. But let me call it a day, bukas ko na aatupagin ang mga plots ko for the boys, this is so exciting

Walang parking lot sa bahay kaya kailangan ko i park yung sasakyan sa isang empty lot na malapit lang sa bahay. 

Kinuha ko ang aking susi tapos ay binuksan ang pinto. Rinig na rinig ko ang tawanan nila mama Tonette. Sino kaya ang mga bisita na kasama niya ngayon sa hapagkainan. 

Nagpunta ako sa dining room na kunwari ay may kailangan kay mama pero gusto ko lang talaga malaman kung sino ang mga kasama niya. Pinaglaruan ko lang ang aking susi hangang sa nahulog ito mula sa aking kamay. 

Saktong pagpulot ko sa susi ay nasa dining room na pala ako at pagtingin ko sa kanila, biglang gulat ko ng nakita ko yung babae at lalake na nasa gubat. "Marionne... Eto nga pala si Marion, ang iyong nakakatandang kambal." 

This can't be... No way, she can't be alive! 



tbc...



Cupid Made a Mess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon