Marion's POV
Arrrrggg! T_T gumising ako dahil sa sakit ng ulo ko, pano ba kasi, late na akong gumising, tapos late din akong natulog alam mo na, busing busy sa college eh, mabuti nalang at saturday ngayon at walang pasok.
Pati yung alarm clock ko na late tuloy! bumangon ako sa higaan at nagpunta sa salamin na nakadikit sa aking cabinet. Anubeyen! huhuhuh T_T lumalaki yata eyebags koooo.. makatingin nga ng cellphone. Kinuha ko yung phone ko sa may bedside table tapos ay chineck yung to do list na app sa aking samsung galaxy s5. Naalala ko tuloy may bibilhin pala ako sa National Bookstore ngayon para sa project namin sa Tourism Organization.
Nagmadali akong pumunta sa CR para maligo, sabon dito sabon diyan tapos kaunting shampoo, shempree hindi ko rin dapat kalimutan ang conditioner, it makes my hair smooth kasi eh with creamsilk hahaha! isiningit pa talaga ang commercial ha? so ayun nga, pagkatapos kong maligo, kaagad akong nagbihis at naglagay ng kaunting make-up.
Bumaba ako sa hagdan at dumeretcho sa kusina para kumain. Umupo ako sa dining chair tapos pinagmasdan ang paligid, parang ang weird wala si mama? Minadali ko na ang aking pagkain tapos ay umalis na agad sa bahay.
...sa national bookstore
Ano nga ba yung bibilhin ko? ah tama! na save ko nga pala yun sa cellphone! maka check nga yung mga bibilhin ko... *tap *tap *slide *tap *slide *slide
Ayan, >_< ay ang dami ko palang dapat bilhin... kung bakit kasi ako ang inutusan nilang magbili nitong mga gagamitin namin para sa project ng org, eh pwede naman iba nalang ang utusan ng president, eh hamak na 3rd year representative lang naman ako... huhuhuh kung bakit kasi ako nagpunta doon, sana umabsent nalang ako sa meeting last tuesday para hindi ako ang mapag-utusan.
Sinimulan ko ng itulak yung rolling cart para mag-ikot sa buong national bookstore makahanap lang ng perfect items para sa project. 2 red cartolinas, 5 blue cartolinas, 3 black cartolinas, 1 elmer's glue, 4 scissors, 1 pack short bondpapers, 2 pentel pens and 1 box of crayon. Mabuti nalang at madali lang hanapin yung mga supplies dito sa national, marami pa akong oras para tumingin ng mga librong babasahin ko, love ko talaga siguro ang mga books kaya naman ay kapag dadaan ako sa national bookstore, hindi ko malilimutang tumingin sa mga bagong arrivals na libro at yung mga hardbound books. Sa di kalayuay may nakita akong mga new arrivals na libro.
Nagspark yung mga mata ko sa nakita... *_* MGA WATTPAD STORIES! oh my gulay! ang dami! wow! may DIARY NG PANGET by HAVEYOUSEENTHISGIRL, BREAK THE CASANNOVA'S HEART by ALYLOONY, SHE'S DATING A GANGSTER by BIANCA B. BERNARDINO, SECRETLY MARRIED by FORGOTTENGLIMMER at marami pang iba! nakuuu nalilito ako kung anong uunahin ko! ang dami kasing magaganda... anu ba kasi to? mutiple choice? kung pwede lang sana bilhin ko na lahat pero hindi na kaya ng budget ko eh... kukunin ko na sana yung MY PRINCE by ALYLOONY ng biglang may nag-abot sa akin ng isang cute na libro na may cute na cover na anime tapos limang lalake isang babae, "eto nalang bilhin mo oh?" napatingin ako sa nagsalita... my eyes which is focused sa libro went straight up until makita ko na clearly ang mukha niya....
*_* oohhhh my gugeldudeldooo! ang gwapooooo! pero hindi hindi dapat ako magpapadala sa kagwapuhan ng lalakeng to, baka kasali to sa isang sindikato tapos ay gumagala dito sa mall, o baka naman magnanakaw to na any minute kukunin yung wallet saka puso ko ay mali este saka cellphone ko. Tinignan ko lang siya tapos bumalik ang pagkatitig ko doon sa libro. "try mo nalang basahin yan, CUPID MADE A MESS by JHELLEENFRANCE" ang pagsisimula niya, hindi ko parin siya pinansin dahil sabi ng lola ko don't talk to strangers daw. Nabigla ako sa kanyang tawa. "hahaha sorry hindi pa ako nagpapakilala I'm Kurt by the way, nice to meet you miss..?" nag prolong yung miss nya na para bang nagtatanong siya at gusto niyang malaman ang pangalan ko. "Marion, Marion is my name" ang sabi ko habang naka titig sa mga shelves, nahihiya kasi akong tumingin sa mala artista niyang pagmumukha eh, daig pa si enrique hill sa papulahan ng lipss. oohhh yummy!
Biglang nagring yung cellphone niya tapos narinig ko yung ring tone ng Lenovo smartphone niya.
♫ You can be the peanut butter to my jelly,
You can be the butterflies I feel in my belly,
You can be the captain and I can be your first mate,
You can be the chills that I feel on our first date ♫
Sa verse palang alam kong perfect two yung ring tone niya, aba super cuuuuuuteeeee <3 "oh ma? ngayon na? sige pupunta na ako diyan in a minute.. okay bye" inilagay niya yung phone sa bulsa niya tapos nag smile siya sa akin which is kahit hindi ako nakatingin sa kanya eh nakakasilaw naman ang kaputi, heh joke.. basta alam kong nag smile siya. "I'm sorry I have to go, nice to meet you Marion, Hope to see you soon!" naku parang ang harsh ko naman ata? hindi ako ng goodbye sa kanya. hayy, nakaalis na tuloy.
Napatingin ako sa cart ko at nakita ko yung librong sinuggest niya sa akin. Pagbukas ko maynaka lagay na note na, "Hope to see you soon Marion de Buenavista" tapos may smiley after the last word.
O_O hope to see you soon Marion de Buenavista...
hope to see you soon Marion de Buenavista...
hope to see you soon Marion de Buenavista...
WHHHHUUUUUUUUUUUUUUTTTTTT?! kilala niiya akoooooo?! O_O
BINABASA MO ANG
Cupid Made a Mess (Completed)
RomancePapano kung limang lalake ang aksidenteng napana ni Cupid para iyo? Sino kaya ang pipiliin mo? All Rights Reserved 2017 © JhelleEnFrance