Tapos na ang mahabang 1st semester.
Excited ang lahat, lalo na ang graduating students na makita kung sino
ang kabilang sa popular na listahan sa college, ang Dean's List.
Bumaba mula sa ikalawang palapag ang assisstant ng dean na si Mary, dala
ang iniintay ng lahat, ang Dean's List. Pagkalagay sa bulletin,
nagakagulo na ang lahat para makita ang mga dean's lister.
Meron pang kikuhanan ang listahan para ilagay sa FB, twitter at sa kung
anu-ano pang social sites.
At isang malaking boses ang nagpa-tahimik sa lahat,
"Top 5. Shiela Lorenzo
Top 4. May del Mundo
Top 3. Jason dela Cueva
Top 2. Chris Santos
and
Top 1. Janus Custudio", pagmamalaking banggit ni Mr. San Carlos, angdean ng computer college ang top 5 sa listahan.
"Im so proud of you, guys. You never failed to impress me. Keep up the
good work." dagdag pa ng dean.
Tuwang-tuwa ang dean dahil consistent ang mga estudyante nito sa
listahan, at hindi nagkakalayo ang pag-itan ng mga average ng dean's
lister lalo ang kabilang sa top 5 dahil halos 0.02 lamang ang lamang ng
bawat isa.
"How do you like guys to have an outing?", tanong ni Mr. San Carlos.
Naagaw nito ang atensyon ng mga estudyante sa lobby, at unti-unting pumalibot sa kanya.
"Lets celebrate! Our college had the most numbers of dean's lister among others.", wika nito.
"Lets enjoy after the whole semester na nagpakahirap kayo to be part of list", dagdag pa nito.
Binasag ng katahimikan ng isang sigaw, "YES!", at unti-unti naring nagsigawan ang lahat ng estudyante roon.
"Krismar Fishing Resort, Sunday. Assembly at 3o'clock at main gate. Overnight party.", pa-sigaw na dagdag ng dean.
Bakas sa ngiti ng mga estudyante ang announcement mula sa dean, bihira lamang kasi na mag-sponsor ito sa mga event sa school. Masayang-masaya ang mga ito ng iniwan nila ang lobby.
Binalot muli ng katahimikan ang lobby, at walang naiwang estudyante maliban kay Alice, ang Top 6 sa listahan.
Tila masama ang loob nito sa naging resulta dahil pang-anim lamang ito sa listahan. Noong mga nakaraang taon kasi ay hindi ito nawawala sa Top 5 sa dean's list para sa buong year level, kaya bakas sa mata nito ang pagka-dismaya, at tila pagka-inggit sa mga nasa top 5.
BINABASA MO ANG
Dean's Lists (COMPLETE)
HorrorTop Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow.