Si Mr. San Carlos!

5.2K 63 10
                                        

Kinabukasan.

Nakatanggap ng text message si Alice mula kay Mr. San Carlos upang kausapin ukol sa resulta ng deans lists at sa mga confessions ni Janus, ang pandaraya upang mapabilang sa listahan.

Alas-kwatro y media.

Nagpunta si Alice sa office ni Mr. San Carlos.

Nakiramdam ito sa paligid. Nagmasid sa buong kwarto.

Hindi maitago sa mukha ni Alice ang takot dahil sa mga naunang karanasan nito nang pumasok ito sa office ni Mr. San Carlos, ang babaeng naka-itim at ang lumang black book.

Nakita ni Alice ang dalawang kandilang may sindi. Ito ang kinalalagyan ng lumang black book.

 Naglakad ito upang lumapit sa kinalalagyan ng lumang black book.

Nang makalapit na ito. Isang kakaibang hangin ang tila pumasok sa loob ng kuwarto, tila unti-unting umiikot sa paligid.

Nanlamig si Alice. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang biglang pagkamatay ng nakasinding mga kandila.

Nagulat na lamang ito nang may humawak sa kanyang balikat mula sa likuran.

Nang lingunin ito ni Alice, nakita nito si Mr. San Carlos.

Bahid sa mukha ni Alice ang takot. Nanginginig ang mga labi, naghahabol ng hininga.

Nang makita ni Mr. San Carlos na patay ang sindi ng mga kandila, tila nag-iba ang pinta ng mukha nito at humigpit ang kapit sa balikat ni Alice.

Bakas sa mukha ni Alice ang sakit ng pagkakakapit ni Mr. San Carlos sa kanyang balikat.

“Sir…”, habang inaalis ni Alice ang kamay ni Mr. San Carlos sa kanyang balikat.

Ngunit hindi inalis ni Mr. San Carlos ang kapit.

Bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok si Mary.

Natulala si Mary sa mga nakita niya.

Inalis ni Mr. San Carlos ang kapit sa balikat ni Alice.

“Mary…”, bati ni Mr. San Carlos.

“Just came here for your signature Sir.”, sagot ni Mary.

Lumapit si Mary kay Mr. San Carlos.

Habang lumalakad palapit si Mary kay Mr. San Carlos, hindi nito inalis ang titig kay Alice.

Hindi naman makatingin ng tuwid si Alice at yumuko.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon