The Ward

5.9K 78 5
                                    

Paggising ni Chris.

Wala itong makita. Madilim. Tahimik ang paligid.

Bumaba mula sa kinahihigaan. Hinihimas ang batok dahil sa nararamdamang sakit. Hubad baro. Tanging pantalon lamang ang suot nito.

Nang simulang maglakad, hindi pa man nakakalayo ay nadapa na lamang ito.

Nang kapain niya ang kanyang kanang paa, nagulat ito nang makitang nakagapos ito ng kadena.

Nabalot ng takot si Chris. At ng igala nito ang mata sa paligid. Napansin nito na tila nasa mataas na bahagi ito ng abandunadong ospital.

Hindi parin malinaw kay Chris kung bakit at paano siya napunta roon.

Nangingilid ang luha nito habang pilit na kinakalas ang kadenang nakakabit sa paa. Tanging ang tunog lang ng kadena na pumapalo sa sahig ang bumalot sa katahimikan ng lugar.

Pawisan. Pinanghihilabutan.

Biglang nagbukas ang ilaw sa di kalayuang kwarto.

Nagkaroon ng bahagyang pagkasilaw si Chris.

Nakita nito ang isang madilim na imahe ng tao na nagmula sa may pintuan na tila palapit sa kanya.

Patuloy na sinusubukang kalasin ang kadena. Habang nangangatog sa takot sa nakikita.

Unti-unti ng lumalapit ang nakikita nito na nagdudulot ng pagka-takot.

Nang hindi nito magawang alisin ang kadena sa paa, nagtago na lamang ito sa likuran ng pinaghigan na hinihigaan ng mga pasyente sa ospital.

Nang mapansin na nag-iba ng landas ang anino. Panandaliang napawi ang takot at huminga ito ng malalim.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon