Dean's Office

9.1K 118 12
                                    

Sa dean's office....

Nakatungong pumasok si Alice sa tanggapan ni Mr. San Carlos, tila nahihiya sa mga nangyari.

Tahimik lamang itong umupo sa upuan sa harap ng table ng dean.

Habang iniintay si Mr. San carlos na lumabas mula sa pantry ng kanyang tanggapan, unti-unti nitong inangat ang ulo, bumungad ang mga plake ng parangal, medalya, diploma na nakuha ng dean noong nag-aaral pa lamang hanggang sa kasalukuyan.

Hindi maitatanggi sa mga nakita ni Alice kung bakit si Mr. San Carlos ang napiling ipalit bilang bagong dean ng college, lumipat na kasi sa ibang department ang dating dean. Sa dami kasi ng recognition na natanggap nito hindi maiipagka-ila na malaki ang maia-ambag nito sa college/department.

Patuloy na nagmasid si Alice sa paligid, isang cabinet ang nakapukaw sa kanyang pansin. Nilapitan niya ito, habang papalapit na siya sa kanyang tinatanaw, naaninag na nito ang tila isang black book... isang lumang black book, sa pag-itan ng dalawang itim na kandila at kwadradong salamin. Nang abot-kamay na ni Alice ang black book at subukang basahin ang tila latin na linyang naka-imprinta....

"Doce.......", habang ipinipihit ang leeg upang mabasa ang buong linya na nakasulat..

At nang subukang hawakan ni Alice ang libro, upang mabasa ang buong talata. Sabay din ang pagbilis ng tibok ng puso nito...

Naaninag niyang tila may nakatayo sa kanyang harapan na tila nakatitig sa kanya.

Nang subukang ibaling ang tingin upang makita ang kabuuan ng katawan, unti-unti rin itong nakaramdam ng pangingilabot, at ng bumungad dito ang mukha ng babae hindi na nito nakayanan ang kilabot at pinili na lamang na lumayo at bumaling ng patalikod.

Nagulat na lamang ito ng sa kanyang pagta-likod ay bumangga sya kay Mr. San Carlos.

"Ahhhh....", papigil na sigaw ni Alice habang pilit na pinapakalma ni Mr. San Carlos.

"Alice, Alice, Alice....", paulit-ulit na sambit ni Mr. San Carlos habang hawak ang magkabilang balikat ni Alice...

Nang mahimasmasan si Alice, nanginginig nitong nilingon ang kinatatayuan ng babaing nakita niya. Sinundan ito ng tingin ni Mr. San Carlos.

Takot at pagtataka ang naramdaman ni Alice dahil wala na ang babae sa kinatatayuan.

Samantalang bumakas sa mukha ni Mr. San Carlos ang kakaibang mukha nang sa lumang black book nakabaling ang tingin ni Alice.

"What happen Alice?", mapanakot na tanong ni Mr. San Carlos kay Alice.

"Wala po sir...", panginginig na sagot ni Alice habang nakakaramdam ng paghigpit ng kapit ni Mr. San Carlos sa kanyang braso.

"Really.?", dagdag ni Mr. San Carlos, habang nakatitig ng matalim kay Alice.

Nanginginig parin si Alice habang pahigpit ng pahigpit ang kapit ni Mr. San Carlos sa kanyang braso.

Mangilid-ngilid na ang luha ni Alice nang dumating si Mary.

"Mr. San Carlos...", pagkatapos ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Mr. San Carlos.

Nang makapasok si Mary, inalis na rin ni Mr. San Carlos ang pagkakakapit kay Alice. At itinuro sa bakanteng upuan.

Iba pa rin ang titig ni Mr. San Carlos kay Alice habang umiikot sa kanyang table upang maupo.

Hindi naman umaalis sa pagka-tungo si Alice habang ramdam pa rin ang takot.

Nagtataka naman si Mary sa ikinikilos ng dalawa.

"I need to go, Sir. Dinala ko lang po yung documents na kailangan ng signature niyo.", pangiting wika ni Mary habang nagtatakang pinagmamasdan ang dalawa.

Napailing na lamang si Mary ng makalabas sa tanggapan ni Mr. San Carlos.

"So, Ms. Alice David!", sabay tayong pagtawag kay Alice.

"Hindi ko gusto ang mga nangyari kanina...", habang lumalakad palabas sa kanyang table.

"What happen to Grace at the lobby, is very disappointing...", habang papalapit sa cabinet kung saan nakalagay ang lumang black book, habang nakasunod ng tingin si Alice.

"And, may mga bagay na hindi mo dapat paki-alamanan, galawin, busisiin, o kahit ano pa man...", dagdag ni Mr. San Carlos, habang hawak ang lumang black book. Napatungo na lamang si Alice.

"Another thing, hindi ko ini-expect that you will drop down with the list", tinutukoy ni Mr. San Carlos ang pagiging top 6 ni Alice sa Dean's List.

Napatingala si Alice at nilingon si Mr. San Carlos.

Nakaramdam muli ito ng pangingilabot ng tila may isang babae ang nakatayo sa likuran ni Mr. San Carlos at nagsimula ang muling panginginig ng katawan at pagkatulala.

"So, Ms. David. Inaasahan ko na hindi na mauulit ang nangyari ngayong araw na ito.", dagdag ni Mr. San Carlos habang nakatulala parin si Alice.

Hindi nito namalayan na nasa likuran na pala nito si Mr. San Carlos.

"Nagkakaintindihan ba tayo Ms. David?", pabulong na wika ni Mr. San Carlos.

Nang mawala ang pagkatulala ni Alice.

"Ms. David, I'm expecting you tomorrow para sa outing celebration ng dean's lister. Is that OK?"

Tumayo na si Alice at nagmamadalaing lumabas ng tanggapan at hindi sinasadya na mabangga si Mary dala ang mga documents para ibigay kay Mr. San Carlos.

                                                                   x              x              x

------------------------------------

Ano kayang hiwaga ang bumabalot sa lumang black book?

Ano ang linyang nakasulat dito?

Sino at ano ang kinalaman ng babaeng nakita ni Alice sa black book at kay Mr. San Carlos?

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon