Highway

4.6K 89 89
                                    

Madilim ang eskinita na kanilang nilalakabay. Nanginginig ang mga kalamnan dulot ng labis na pagkatakot sa dinanas sa presinto.

Kasabay ng nangangambang dibdib ay ang kulog na dulot ng nagbabadyang pag-ulan.

Malayo-layo narin ang kanilang narating at halos hindi na matanaw ang presinto. Wala ring badya ng pagsunod sa hindi makilalang naka-itim.

Pansamatanla silang huminto upang magpahinga.

Bakas sa mukha ni Inspektor ang nanghihinang katawan dulot ng nawalang dugo mula sa malalim na sugat sa kanyang binti.

Hindi tumitigil ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito. Nang mapansin ito ni Alice, pinilas nito ang kanyang manggas at mahigpit na itinali sa binti ni Inspektor upang mapigilan ang pag-agos ng dugo.

“Sh*t…”, bitiw ni Inspektor.

Natigilan si Alice sa pagbuhol sa nakapalibot na manggas sa binti nito.

Nang lumingon ito kay Inspektor, dahan-dahan nitong ibinuhol ang pirasong tela sa nagdurugong binti.

Nang matapos si Alice, lumapit si Janus sa kanila.

Inakay nilang muli si Inspektor at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalabas sila sa eskinita, bumungad sa kanila ang mahaba at madilim na highway.

Bahagya silang tumigil upang maghintay ng sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas, natanaw nila ang isang liwanag na animoy palapit sa kanilang kinaroroonan.

Tumayo si Alice at tila nagkaroon ng pag-asa.

Gumuhit sa mukha nito ang kapirasong ngiti.

Ikinumpas nito ang kanyang mga kamay, hudyat upang maki-usap sa pag-tigil ng sasakyan.

Ngunit bigo si Alice, hindi tumigil ang sasakyan.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Alice.

Nang mapansin ito ni Janus, lumapit ito at kanya itong niyakap.

Ilang saglit, napansin ni Alice na tila malakas ang panginginig ng panginginig ng katawan ni Inspektor.

Bumitaw ito sa pagkakayakap ni Janus at lumapit kay Inspektor.

Nang madampi ni Alice ang katawan ni Inspektor, naramdaman nito na mainit ang katawan ni Inspektor.

Inaapoy na ng lagnat si Inspektor, sanhi ng malalim na sugat.

Iniayos nito ang katawan ni Inspektor sa komportableng lugar.

“Just leave me here…”, nanginginig na wika ni Inspektor.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon