Nang makarating sina Mary, Janus at Alice sa presinto agad nilang hinanap si Inspektor.
Isang police officer ang umalalay sa kanila at dinala sa isang kwarto.
Bakas sa mga mata ni Alice ang nararamdamang takot. Walang tigil naman ang pagpatak ng pawis ni Janus. Samantalang tila naguguluhan parin si Mary sa mga nangyayari kina Alice at Janus.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Inspektor sa kwartong kinalalagyan nila.
Naupo si Inspektor sa bakanteng upuan kaharap sina Alice at Janus, habang nakatayo lamang si Mary sa likuran ni Alice.
Inilahad ni Alice ang mga nangyari.
Mula sa mga nakita niya sa kwarto ni Mr. San Carlos, ang make-up kit na pag-aari ni Shiela at ang duguang kadena.
Ang pagpapakita at pagsunod sa kanya ng isang naka-itim na nagmula sa palapag na kinaroroonan ng kwarto ni Mr. San Carlos.
Ang paghabol sa kanila ng sasakyan ni Mr. San Carlos sakay ang isang hindi makilalang naka-itim.
Hanggang sa ma-aksidente ang kanilang sasakyan, nang mapadpad sila sa talahiban, hanggang sa makita na nila si Mary.
Nabalot ng pagka-gulat ang mukha ni Inspektor sa mga naging pahayag nila Alice at Janus.
Tila nabigyan naman ng linaw ang naguguluhang isip ni Mary.
Tumayo si Inspektor mula sa pagkaka-upo at tumingin sa malayo, tila nag-iisip.
Umikot si Mary mula sa bandang likuran at nagpunta sa harapan nila Alice.
“So that was it! He was the one who is responsible sa lahat ng ito.”, konklusyon ni Mary.
Nabalot ng katahimikan ang paligid ng kwarto…
Isa-isang bumalik sa ala-ala ni Inspektor ang mga ebidensyang naiwan sa mga nakitang bangkay…
Ang chemical compound ng make-up na nakita sa katawan nila Jason, May at Chris.
Dinampot ni Inspektor ang radio mula sa lamesa at tumawag sa kabilang linya.
Nagbigay utos si Inspektor na siyasatin ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Ilang sandali ang lumipas, pumasok ang isang police officer at tinawag si Inspektor.
“Sir, Mr. San Carlos is here.”, wika ng isang police officer.
BINABASA MO ANG
Dean's Lists (COMPLETE)
TerrorTop Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow.