The Truth pt 2

2.5K 54 0
                                    

Samantala sa ospital...

Tahimik ang loob ng ospital.

Bihira ang makikita mong tao dahil hatinggabi na.

Mahimbing ang pagkakatulog nina Alice at Janus sa ward.

Samantala... pinipigilan naman ni Inspektor ang antok sa pagbabantay kina Alice at Janus dahil umuwi ang tatay ni Janus upang kumuha ng damit.

Nang makaidlip si Inspektor nagulat na lamang ito nang tumambad sa kanyang harapan si Shiela.

Oh, Shiela! Ginulat mo naman ako... halika umupo ka... - alok nito

Ngunit hindi umiimik si Shiela.

Maiging pinagmasdan nito ang mukha ni Inspektor.

Are you ok? - tanong ni Inspektor

Ngumiti lamang si Shiela.

Pagtataka lamang ang bumalot sa mukha ni Inspektor.

Ilang saglit ay tumunog ang kanyang cellphone.

One message received.

Agad itong kinuha at binasa ang mensahe.

Inspektor, hindi si Mr. San Carlos ang killer. Si ....

Nagulat ito sa kanyang nabasa.

At pagkatapos ay bumalik ang tingin kay Shiela.

Lingid sa kaalaman nito ay may isang patalim na hawak si Shiela, at...

Malakas ang pagdaloy ng dugo sa sahig.

Naghihingalo si Inspektor habang nakatarak ang patalim sa kanyang leeg.

Gitil na gitil si Shiela habang pilit na ibinabaon ang patalim.

Nang mawalan na ng hininga si Inspektor, matalim ang ngiti nito habang hinuhugot ang patalim.

Nanginginig si Janus sa kanyang nasaksihan.

Pinipilit nitong gumawa ng ingay ngunit hindi parin ito makakilos dahil sa gamot na itinurok sa kanya.

Nang mapansin ni Shiela na gising na si Janus. Unti unti itong lumapit na tila may pagbabanta.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon