Nang mapansin ni Mr. San Carlos na nakatingin sa kanya si Alice bahagya itong lumapit.
“Alice? Janus? What a small world…”, wika nito.
Hindi nagsalita si Alice at itinago ang mukha sa dibdib ni Janus.
Hindi rin nagbitaw ng anumang salita si Janus at pinakalma lamang si Alice.
“Anyway… I need to go Inspektor.”, wika muli ni Mr. San Carlos.
“Well just keep you posted regarding sa progress ng kasong ito sir.”, sagot ni Inspektor.
Tumango lamang si Mr. San Carlos.
Nang makita muli ni Mr. San Carlos si Mary. Tiningnan ito at pangising ngumiti.
“Ingat sa kape Mary… mainit yan.”, pabiro ni Mr. San Carlos.
Hindi nagsalita si Mary at inalis ang pagkakatitig kay Mr. San Carlos.
Nang makalabas na si Mr. San Carlos…
Lumapit si Inspektor kina Janus at Alice, lumapit na rin si Mary at iniwan ang kape sa kanyang kina-uupuan.
“Anong nangyayari sir?”, tanong ni Janus.
“Mr. San Carlos just reported that his car was stolen.”, sagot ni Inspektor.
“Pero sasakyan niya yung humabol sa amin, and Im sure na si Mr. San Carlos ang gustong pumatay sa amin.”, dagdag ni Alice.
“Why you just cant arrest him?”, tanong ni Mary.
“We cant. Wala pang matibay na ebidensya ang nagtuturo sa kanya na siya nga ang may kagagawan ng mga ito.”, sagot ni Inspektor.
Muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Alice.
“Im sorry Alice, but we will do everything to solve this case.”, dagdag ni Inspektor.
Lumapit ang isang officer dala ang tray ng mga coffee.
“Coffee Sir…”, alok nito.
Dinampot ni Inspektor ang isang tasa ng kape.
Nang iinumin na ni Inspektor ang kape….
“Inspektor!”, isang malakas na pagtawag mula sa bumukas na pintuan.
Nabaling dito ang paningin ni Alice, Mary, Janus at Inspektor.
“We found it.”, wika ng isang officer.
BINABASA MO ANG
Dean's Lists (COMPLETE)
TerrorTop Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow.