Shiela

5.4K 71 8
                                        

Madilim. Tribal. Phunk.

Ito ang mga salita na nagde-describe sa kwarto ni Shiela.

Araw ng Lunes. Ilang araw lamang ang nakakalipas mula ng matagpuan ang bangkay ni Chris. Nagtungo si Inspektor kasama ang ilang mga pulisya upang patuloy na mag-imbistiga sa mga naganap na serial killing sa bahay ni Shiela.

Malaki ang pinag-kaiba ng katauhan ni Shiela sa nakita nila Inspektor sa itsura ng kwarto ni Shiela.

Kahit ang ina nito ay nabigla rin sa laman ng kwarto ni Shiela. Hindi kasi hinahayaan ni Shiela na makapasok ang kanyang ina o kung sinuman sa kanyang kwarto.

Neon black ang gamit na ilaw. Nababalot ang pader ng mga skull at bones wallpaper. Isang malaking poster na may disenyo ng tila simbolo ng witchcrafts. Makikita sa bookshelfs ang mga kakaibang libro nang mga kakaibang dasal.

Gulat na gulat sina Inspektor at ang ina nito sa mga nakita sa loob ng kwarto.

Lalo pa nang makita ang group picture nila Shiela, May, Jason, Chris at Janus na may markang cross sa mga mukha maliban kay Shiela.

Hindi napigilang mapaluha ni Mrs. Lorenzo.

Naupo ito sa isang silya.

“After all these years. Hindi ko pala ganoong kakilala ang sarili kong anak.”, wika nito.

Lumapit si Inspektor at kinuha ang isang silya at naupo sa harapan ni Mrs. Lorenzo.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Mrs. Lorenzo.

“She was five years old when she started to seek for her father.”, panguna nito.

---

“Ma… asan po si Papa?”, malambing na tanong ng isang anak sa kanyang ina.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon