Isa si Alice sa pinaka-magaling sa klase, lagi itong nangunguna sa lahat sa mga exams, quizes at laboraty works.
Si Alice ay nagmula sa kanilang probinsya sa Mindoro. May mga balita na pinatay ang pamilya nito noong ito ay pitong-taong gulang pa lamang. Lumaki ito sa bahay ampunan, hanggang sa dumating ang panahon na pinili na nitong mamuhay ng sarili lamang at nagsikap na makapag-tapos ng pag-aaral.
Kahit ang mga kaibigan ni Alice ay na-dismaya rin sa naging resulta ng dean's list, alam kasi nila na hindi ganoong kaseryoso sa pag-aaral ang ibang nasa top 5.
Alas tres pa lamang ng madaling araw, nagsisimula na si Alice para sa kanyang pang-umagang trabaho. Umaangkat siya ng pandesal sa di kalayuang paniderya mula sa kanyang inuupahang kuwarto upang ibenta sa kalapit bahay. Sa isaang daan at limampung piso kinikita niya sa umaga, dito nito kinukuha ang panggastos para sa buong araw niyang pagkain.
Pagdating ng alas-sais y medya, agad nitong lalakarin ang eskwelahan suot ang puting uniform, hindi student uniform kundi maintenance uniform, tama, maintenance staff (janitor) si Alice sa paaralang pinapasukan nito, ito lamang kasi ang paraan para makapag-aral ito sa kolehiyo.
Pag-sapit ng ika-lima ng hapon, agad itong didiretso sa isang convinience store para naman kumuha ng panindang balut, penoy at chicharon bilang dagdag kabuhayan para sa gastusin nito sa bahay at eskwelahan.
Pagsapit naman ng weekends, nagtutungo ito sa bahay ng kaniyang malalapit na kaibigan at ilang kamag-aral para sa tutorial sessions sa mga subjects kung saan magaling at angat si Alice. Sa isaang daang piso kada oras, dito nakakaipon si Alice ng sapat na halaga para sa pambayad sa tinitirhang bahay at iba pang gastusin sa paaralan lalo pat graduating na ito.
Ganito ang paraan ng pamumuhay ni Alice, sa mura niyang edad, namulat na ito sa pamumuhay na sarili lamang ang tanging maasahan upang mabuhay. Kaya naman hinahangaan ito sa paaralan lalot higit ng mga guro at magulang ng mga mag-aaral doon.
Kasama na si Alice sa pangaral ng mga magulang para sa kanilang mga anak, "Bakit hindi mo gayahin si Alice, hindi umaasa sa iba. Nagsisikap sa buhay. bla bla bla...", wika ng karamihan sa mga magulang sa kanilang anak. Kaya hindi rin nawawala ang pagka-inis ng ilan sa mga mag-aaral kay Alice dahil siya ang pangaral ng kanilang mga magulang sa kanila.
May oras na binu-bully ito ng ilang mag-aaral dahil nga sa lagi itong sambit sa kanila ng magulang, may oras na itinatago ng kanyang kamag-aral ang kaniyang gamit, binabato ng binilot na papel at kung ano-ano pa. Pero hindi naman nawawala ng kanyang mga kaibigan para sumuporta at ipagtanggol ito sa bawat panunukso at pang-aapi sa kanya.
Mapalad si Alice sa kanyang mga kaibigan. Sila kasi ang mga kaibigan na laging nasa tabi ni Alice sa lahat ng oras, hindi yung kaibigan na na-andyan lamang pag may assignments, projects, pag exams, at pag mangungutang. :D
....
Samantala, habang nakatitig parin si Alice sa listahan sa bulletin board. Isang kaibigan ang lumapit at nagtanong...
Sasama ka ba bukas?
Hindi nagsasalita si Alice....
"Alice... Alice... Alice.... ", pa-ulit ulit na pagtawag ng kaibigan kay Alice..
Tsg...Nagulat ang lahat ng sakmalin ni Alice ang kaibigan sa leeg nang may matalim na pag-titig.
"Aaaaa...., Aaaaaaaliiiiiiiiceeeee...", nahihirapang bigkas ng kaibigan sa pangalan ni Alice. Halos hindi ito makahinga sa mahigpit na pagkakakapit ni Alice sa leeg nito.
Maya-maya ay isang malaking boses ang lumutang.
"Alice!"
Sabay pinakawalan ni Alice ang pagkakapit sa leeg, maluha-luha si Grace habang hinihimas ang leeg, mapula ang bakas ng daliri ni Alice dahil sa higpit ng pagkakakapit.
Nang kanilang lingunin ang pinanggalingan ng tinig, ay nakita nila si Ms. San Carlo ang dean ng college.
Tumungo ang lahat habang humahakbang papalipat sa kanila ang dean, tila nahihiya sa nangyari.
"Anong ibig sabihin nito, Alice", matapang na tanong ni Mr. San Carlos.
"Wa.. wala po sir...", tila nanginginig na sagot ng isang kaibigan.
"Alice, I want you at my office now.", dagdag ng dean.
"Sir, sir... ", pahabol ng isang kaibigan habang lumalakad papalayo si Mr. San Carlos at Alice.
Pero hindi nila nagawang mapigilan sila, at isang paglingon mula kay Alice ang kanilang natanggap. Isang lingon na bakas ang kalungkutan at pagsisisi dahil sa kanyang nagawa.Tumango na lamang at ngumiti si Grace bilang tugon kay Alice, nangangahulugan na hindi ito nagalait o nagdamdam kay Alice sa kabila ng nangyari at magiging ok lang ang lahat.
At bumakas sa labi ni Alice ang isang matamis na ngiti, at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mawala na sa kanilang tanaw.
BINABASA MO ANG
Dean's Lists (COMPLETE)
HorrorTop Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow.