Over 'da Bakod

6.2K 76 9
                                        

Alas-tres na ng hapon.

Nauna na sina Jason, Chris at Alice na umalis sa ospital. Samantalang naiwan sina Mr. San Carlos upang damayan ang nagdadalamhating si Mrs. Del Mundo. Dumiretso naman sa presinto sina Janus upang kunan ng pahayag tungkol sa mga nangyari noong gabi na mamatay at nawala ang bangkay ni Shiela.

Magulo parin ang isip ni Jason nang makarating na ito sa kanilang tahanan. Hindi mapakali. Madaming naglalaro sa kanyang isip. Ang mga trahedya. Ang tao sa banyo. Ang maduming sapatos ni Janus.

Sandali itong nag-shower upang mahimasmasan.

Matapos ay nagmamadaling umalis ng bahay.

Lot5. Block 6. Dito nagtungo si Jason.

Sa bahay ni Janus.

Unti-unting nagmasid sa paligid. Nakikiramdam kung may ibang tao sa paligid.

Nag-isip ito kung tatawid na lamang ito sa bakod upang makapasok sa bahay nila Janus.

Ngunit napag-isip-isip nito na matatagalan ito kung dito dadaan at baka may ibang tao na makapuna sa kanya.

Nag-isip muli ito.

Naalala nito ang taguan ng susi ni Janus. Madalas kasi silang magkasama kapag patakas na gumigimik at kapag hating-gabi na nakakauwi ay patago na lamang ang pagpasok ni Janus sa kanilang bahay gamit ang mga kopyang susi upang hindi mahuli ng mga magulang.

Nagtungo si Jason sa taguan ng susi at hinanap ang susi ni Janus. Napangiti ito nang makita na naroroon pa ang mga susi.

Dinampot ni Jason ang mga susi. Nagmasid ng bahagya sa paligid. Matapos ay agad na pumunta sa gate sa bandang likod.

Nanginginig na sinubukan ni Jason ang bawat susi sa kandado ng gate. Nakahinga ito ng maluwag ng matanggal ang pagkaka-lock ng kandado.

Dahan-dahang pumasok, at unti-unting isinara ang gate at ibinalik sa pagkakandado.

Patago parin na tinungo ang pintuan sa bandang likuran ng bahay. Nang subukan ang susi, pagtataka nito na bukas na ang pintuan.

Pumasok ng may pagtataka si Jason. Dahan-dahang pumasok sa kwarto ni Janus.

Magulo. Hindi maayos. Nagkalat ang mga damit. nakalaglag ang mga libro sa bookshelf kalapit ang naiwang bukas na computer sa computer table.

Nagmasid muli si Jason sa paligid. Binuksan ang mga drawer, cabinet, pati na rin ang ilalim ng kama ni Janus.

Ngunit nabigo itong makita ang hinahanap nito. Ano nga ba hinahanap ni Jason sa kwarto ni Janus?

Ilang minuto ay isang busina ang kanyang narinig mula sa main gate ng bahay ni Janus.

Nang dungawin ni Jason mula sa bintana ay nakita nito ang sasakyan nila Janus na unti-unti nang pumapasok sa gate. Nagmamadali nitong hinanap ang gustong makita. Sa di kalayuan, napansin nito ang nakabalot na trash bag sa basurahan malapit sa may pintuan. Nagkaroon ito ng pag-asa na maaaring naroroon ang gusto nitong makita.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon