Confessions

5.3K 62 3
                                    

Alas-sais ng gabi.

Isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng presinto.

Bumaba sina Janus at ang ama nito.

Tanaw nila Alice, Mr. San Carlos at ni Inspektor ang pagpasok nila Janus.

Sa lobby ng presinto, hindi makatingin si Janus kay Mr. San Carlos habang lumalakad patungo sa loob ng interrogation room.

Mangilid-ngilid ang luha ni Janus nang tumigil ito sa harapan ni Alice.

“Janus…?”, pabulong na tanong ni Alice habang tumutulo ang luha.

Tanging iling lamang ang ibinalik ni Janus kay Alice.

Kinuha ni Inspektor ang balikat ni Janus at inakay patungo sa loob ng interrogation room.

Hindi inalis ni Janus ang tingin kay Alice habang pumapasok sa loob ng kwarto.

Nang magsara ang pintuan at nawala na sa pagkakatitig si Janus, lumapit si Mr. Custudio kay Alice.

“My son didn’t mean to do this…”, panguna ni Mr. Custudio.

Lumapit si Mr. San Carlos kina Alice at Mr. Custudio.

At sinimulan ni Mr. Custudio ang confession ng kanyang anak.

---

Nang gabi na makarating sila sa resort....

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon