TUWANG PINAGMASDAN ni Constancia Callejo ang mga trabahador ng Marl's Silver shop na abala sa kani-kaniyang gawain. Hindi naging problema sa kanya ang paghawak ng shop dahil magmula pagkabata ay iyon na ang naging negosyo nilang mag-anak—ang paggawa ng mga silver accessories.
Hango ang Marl's sa pangalan ng kanyang yumaong abuelo. Bata pa lang ay tumutulong na siyang naglilinis ng mga yari ng silver accessories sa tuwing may pagkakataon. Iyon ang pangunahin nilang produkto. Mayroon ding nagpapagawa ng mga maliliit na collections accessories kagaya ng kalesa, kabayo, mga dress pins o clips. Ang ama niya ay eksperto sa paggawa ng rubber mold at waxing kung saan iyon ihuhubog. Naipasa iyon sa napangasawa niya—si Damian, dating platero doon na kasing edad niya. Magmula sa paggamit ng lipitan, pagtutunaw ng silver at pagbuo ng isang produkto ay maasahan ito.
Nabihag ang puso niya ng kaguwapuhan nito at sipag. Maginoo, mabait at sadyang malambing din ito. Pinatunayan pa nitong kaya nitong palakihin ang silvershop at sa kalauna'y nadagdagan ang mga disenyo nila. Hindi naglaon ay pinalad silang magkaroon ng supling, si Dencio. Namana nito ang lahat sa ama nito magmula sa itsura at ugali. Sa paglaki nito ay pumanaw naman ang kanyang ama. Sadyang nasa dugo nila ang pagiging platero dahil naging hilig din iyon ni Dencio.
Sa edad na dalawampu't dalawa ay nakilala ni Dencio ang babaeng magpapatibok ng puso nito, si Nimfa. Isa itong bigating anak ng kliyente nilang intsik. Agad nagpakasal ang dalawa at hindi nagtagal ay nabuntis si Nimfa. Gayunman, nagkaroon ng wakas ang lahat ng masasayang sandaling iyon. Binawian ng buhay si Nimfa habang nanganganak sa isang sanggol na lalaki at naaksidente sina Dencio kasama ang asawa niya sa Cagayan para mag-deliver ng order.
At dahil masakit din sa pamilya ni Nimfa ang pagkawala nito ay iniwan ng mga ito ang Pilipinas at namuhay sa China. Doon na rin itinuloy ng pamilya ni Nimfa ang negosyo ng mga ito. Big time na alahero ang ama ni Nimfa at sa ngayon ay mas lalong lumago ang negosyo nito. Naiwan si Denim sa kanya—bagay na sinangayunan ng mga magulang ni Nimfa dahil nagiisa na siya sa buhay—ang nagiisang apo at tanging alaala ng lahat ng mga mahal niya sa buhay. Ito ang naging dahilan kung bakit sa kabila ng lahat, naging masigasig din siyang palaguhin ang shop. Ang lahat ng iyon ay para sa apo niyang malapit ng magtapos ng kolehiyo ngayon.
Gayunman, regular pa rin ang komunikasyon ng ama ni Nimfa kay Denim at sa tuwing may pagkakataon ay nagbabakasyon ito sa China. Si Denim lang din ang nagiisang apo ng mga ito. Sadyang maliit lang ang pamilya ni Nimfa si China.
"Lola!"
Natawa na lamang si Constancia ng bigla na lang siyang yakapin ng apo sa baywang at hinalikan sa ulo. Malambing ito at kahit kailan ay hindi siya nito binigyan ng problema. Maliban na lamang sa mga babaeng nagpupunta sa kanila tuwing sembreak nito. Sa tuwing mababalitan sa Brgy. Lioac Norte ng Naguilian, La Union ang dating nito buhat Baguio, nagsisipaglipana ang mga mga kadalagahan doon.
"Graduating na ba ang apo ko?"
Napamulagat siya ng ngisihan siya nito. Ganoon ito, mabiro at namana nito ang magaang pagtingin sa buhay ng kanyang namayapang asawa. Ah, nakikita rin niya ang mukha ng anak dito. Parang pinagbiyak na bunga ang mga ito. Ang nakuha lang nito sa ina ay ang kulay nitong maputi. Palibhasa'y may lahing intsik.
"Magsabi ka ng totoo!" aniyang nagiinit na kunwari ang ulo. Agad naman siya nitong inakbayan.
"Lola... hindi ninyo bagay ang nakasimangot ..."
Kinurot niya ito sa tagiliran. Napaigik lang ito hanggang sa natawa ito at muli siyang nilambing. Tuluyan na siyang napangiti ng makita ang papel na iniabot nito.
"Graduating na ako lola. P'wede na akong maging full-time platero, ha?"
Napakamot siya sa bumbunan. Bata pa lang ito ay madalas na nitong sabihin iyon. Napabuntong hininga siya."Ikaw pa rin naman ang hahawak nito, apo. Pero gusto ko pa rin sanang masubukan mo ang ibang trabaho."
"P'wede naman akongtumanggap ng project kahit platero ako," anito saka ito ngumiti ng todo."Architect slash platero, ayos!"
Napailing na lamang siya ng hubarinna nito ang t-shirt saka nagpalit ng sando. Agad na itong nagtungo sa shop atnagsipagtayuan ang mga tao niya ng dumating ito saka tinapik ang balikat nito.Uminit ang dibdib niya. Sa kabila ng lahat, labis pa rin siyang nagpapasalamatdahil mahal ni Denim ang negosyo nila. Sadyang napakasuwerte niya sa apo.
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsi...