CHAPTER 3

4.1K 108 6
                                    


"Si Wryle ang eksperto sa pagpipino ng mga accessories..."

Napatango si Ethel ng ipakita ni Denim sa kanya ang iba't ibang sizes ng kikil. Hindi niya nakalimutan dalhin at notepad niya. Doon niya itinatala ang mahahalagang impormasyong kailangan niya. Ayon dito, depende iyon sa mga sizes ng anumang accessories na maaari nitong pinuhin. Filing daw ang tawag doon at isusunod ang polishing. Ngumiti si Wryle at nag-sample ito sa kanya. Mukhang nagpapakitang gilas ang mokong.

Ilang metro lang ang layo ng shop sa kanilang tinitirhan. Hindi pa rin disturbing ang ingay na nanggagaling sa tunawanan at kapag nasa loob siya ng silid ay hindi na niya iyon pansin. Nasa loob pa rin iyon ng compound ng mga Callejo.

"Tama na nga 'yan," saway dito ni Denim. "Baka mamaya, malaman ni Reign ang ginagawa mo, karnehin ka n'un,"

Umasim ang mukha ni Wryle pagkarinig sa pangalan ni Reign.

"Sino 'yun?" curious na tanong niya.

Nagtawanan ang may sampung kalalakihan sa lipitan. Inulan ng kantyaw si Wryle doon. "Ang babae sa buhay ni Wryle. Nandito siya sa La Union para magsakripisyo para sa babaeng iyon,"

"Shut up!" inis na saway ni Wryle sa pangtitiklo ni Xavier. "Look who's talking. I bet, when you heard Lotus voice, you are going to faint,"

"Pare, wala namang ganyanan..." biglang kambyo ni Xavier at halatadong kinabahan ito. Gusto niyang matawa sa mga ito dahil parang mga bata lang sa asaran.

"Ganito sa shop. Para lang kaming magkakapatid at ang dalawang unggoy na 'to, sampid lang ang mga ito dito," tukoy nito sa dalawang lalaki. "Ka-batch ko sila noong college at first year palang, magkaka-roommate na kami sa boardinghouse. Iisang university lang ang pinapasukan namin. Kami-kami na rin lang ang naging magbabarkada hanggang magtapos kami. Last year, nagbakasyon sila dito pero nasarapan nilang gumawa ng ganyan. Simple lang pero enjoy. Oo nga pala, si Xavier ang eksperto sa casting at waxing para magawa ang disenyo ng accessory." Mahabang paliwanag nito.

Napatingin siya kay Denim habang ipinaliliwanag nito ang kasaysayan ng shop. Halatadong proud ito at mahal nito ang negosyo. Hindi niya maiwasang hangaan ang side nitong iyon. Bagaman mataas ang pinagaralan nito ay hindi pa rin nito kinakalimutan ang negosyong bumuhay at nagpaaral dito.

"Saan sila nakatira?"

"May barracks dito sa likuran. Libre rin sila sa pagkain dahil halos lahat ng trabahador dito, hindi taga-dito. Lingguhan ang uwi nila sa ibang probinsya," anito saka ngumiti sa kanya. Natunaw na naman ang puso niya. Ipinilig niya ang ulo at pilit na itinuon ang atensyon sa sinasabi nito.

Inikot pa siya nito at panay ang alalay nito. Hindi niya maiwasang hangaan ang gawi nito. Hinahawakan siya nito sa likuran o siko, sa paraang maingat at hindi siya mababastos tulad noong unang hawakan siya nito. Nawiwindang ang puso niya at muli niyang pinagsabihan ang sarili. Dahil doon ay dito niya muling naibunton ang inis sa sarili.

Pumiksi siya at agad na nagpaunang naglakad. Nang magawi sila sa tunawan ay pinagpawisan siya ng matindi. Ang init pala sa lugar na iyon! Mayroong malaking sementong bilog na may malaking baga para tunawin ang silver.

Napalunok na lamang siya ng punasan din nito ang noo niyang tila natural lang dito. Sumikdo ang puso niya sa ginawi nito at nang mukhang hindi ito makatiis ay agad na siya nitong inilabas. "Pasensya ka na... namumula na tuloy ang pisngi mo sa init,"

Pakiramdam niya, hindi lang ang lahat ng tao doon ang tumigil para tumingin sa kanila kundi maging ang buong mundo niya. Hindi ito nahiyang ipakita iyon sa iba. Kumuha pa ito ng towel para ipunas sa noo niya. Napakurapkurap siya hanggang sa hindi siya makatiis sa reaskyon ng puso niya, bigla niyang inagaw ang bimpo rito. Nagtatanong ang mga mata nito at para pagtakpan niya ang pagkailang ay inirapan niya ito. "Kaya ko."

THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon