CHAPTER 4

3.3K 104 1
                                    


"ETHEL, HALIKA'T maghapunan tayo sa harapan ng shop. Birthday ni Wryle at may kaunting salu-salo..." ani Lola Constancia kay Ethel nang pagbuksan niya ito ng pinto. Napahinga na lamang siya ng malalim at tumango. Nahihiya siya sa matanda dahil sinadya pa siya roon para tawagin. Bibilisan na lamang niyang kumain para hindi makaporma si Denim sa kanya.

Ngayon pa lang sila nito muling magkikita. Katatapos lang niya ang isinusulat at naghihintay na lamang ng feedback mula sa editor niya. Sa ngayon ay ang book six naman niya ang pinagiisipang maigi ang concept.

Ilang sandali pa ay nagtungo sila sa shop. Nasa labas noon ang mahabang mesa na punung-puno ng pagkain. Tahimik lang siyang tumabi kay Lola Constancia. Lihim niyang iginala ang paningin dahil hindi niya mamataan si Denim.

"Si Denim ho?" mahinang tanong niya sa matanda ng hindi makatiis. Nasanay na siya na sa paglabas ng bahay ay agad itong makikita. Naku! Nami-miss mo lang ang mokong, eh... tudyo ng isip niya at napailing siya. Inignora na lamang niya ang nararamdaman.

"Naks! Hinahanap... d'yan nagsisimula 'yan," tudyo ni Xavier at ngising-ngisi ito.

Namula ang buo niyang mukha. Ang tindi nito. Palibhasa'y katabi niya kaya siguro dinig din nito ang sinabi niya. Natawa naman si Lola Constancia, hiyang-hiya tuloy siya rito at para pagtakpan ang lahat ay hindi na lamang niya ito pinansin.

"Paparating na si Denim. Nag-deliver lang 'yon sa Baguio," ani Wryle na bagaman hindi naman nakangiti ay mukhang sumasayaw naman sa kislap ng kalokohan ang mga mata nito. Gayunman, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakadama siya ng bahagyang dismaya. Napailing na lamang siya sa sarili.

Inawat na ang mga ito ng matanda. Itinuon na lamang niya ang dismaya sa pagkain at binilisan. Nang matapos siya ay agad siyang nagpaalam at umuwi. Nagayos na rin siya ng sarili. Naghanda na siyang matulog ng may kumatok sa pinto. Nang sinuhin niya iyon ay tumalon ang puso niya.

"Kumain ka na?" ani Denim na hinihingal.

"Oo... b-bakit parang pagod na pagod ka? Okay ka lang?" takang tanong niya rito at hindi niya maiwasang magalala dahil mukhang haggard pa ito. Gayunman, simpatiko pa rin ito sa paningin niya. Napakunot na lamang ang noo niya dahil mukhang nabigla ito. "B-bakit ganyan ka makatingin?"

Doon kumislap ang mga mata nito. "Hindi ako makapaniwala na concern ka rin sa akin..." anito at hindi na nito mapigilang ngumiti. "Nasiraan ako d'yan sa may sementeryo pero okay naman ako..." dagdag na paliwanag nito.

Naginit ang pisngi niya. Ang tibay nito. Pati iyon ay naobserbahan pa nito? Umismid siya para itago ang pagkapahiya. "Tuwang-tuwa ka naman,"

"S'yempre naman. Unang pagkakataon ito at siguradong hindi ko 'to makakalimutan," anitong ngiting-ngiti.

Ayaw man niyang aminin pero lumobo ang puso niya. Ano ba ang lalaking ito? Kayang-kaya nitong baliwin ang puso niya! Hindi tuloy niya maiwasang matuwa sa nakikitang appreciation nito.

"May dala akong cake para sa'yo. Iniwan ko na sa mesa para may makasabay naman akong kumain. Tara?"

Napahagod siya sa noo. Bigla siyang namoroblema. Natamaan na naman siya dahil bumili pa ito ng pasalubong? Pakiramdam niya ay malapit na... kaunti na lang ay lulubog na siya. At dahil sa damdaming iyon ay tigas ang iling niya rito.

Unting-unting nawala ang masiglang awra nito hanggang sa malungkot na tumango. "Pasensya ka na. Mukhang naiistorbo na talaga kita..." anito saka malungkot na lumayo.

THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon