"ANO SA tingin mo, iha? Nagustuhan mo ba?"
Muling naigala ni Ethel Vizcarra ang paningin sa loob ng fully furnished na bahay. Naikot na niya iyon at nagustuhan naman niya. Isa iyong old Spanish house at homey para sa kanya ang disenyo. Dalawa ang silid doon at naka-set ang isang kuwarto para maging opisina, tamang-tama sa propesyon niya bilang isang fantasy writer. Bata pa lang ay mahilig na siya sa ganoon at iyon ang pinangarap niya.
Maluwang ang sala doon. May LCD rin at DVD player. Naka-set up na rin ang home theater. Tamang-tama sa panonood niya ng mga fantasy movies at anime kung kailangan niyang humugot ng emosyon o ideya. Ang kusina at silid naman ay maluwang din at kumpleto na sa gamit. Kung tutuusin ay tao na lang ang kulang doon.
Napangiti siya at nilingon si Lola Constancia. Nakilala niya ito noong mag-inquire siya sa karatula na mayroong unit for rent doon. Ito pala ang may-ari ng bahay. Iyon ang ini-insist nitong itawag niya rito. Masayahin ang awra nito at agad niyang nakapalagayang loob. Pangatlong beses na niyang balik iyon at sa pagkakataong iyon ay dala na niya ang lahat ng gamit.
"Oho, kukunin ko na ho ito."
Agad silang nagtungo sa opisina nito sa itaas ng bahay. Ang lugar na oukupahan niya ay nasa ibaba lamang ng bahay nito. Tatlong palapag iyon at iba naman ang daraanan niya kaya mayroon pa rin siyang privacy. Agad na siyang nagsulat sa tatlong checque para ibigay ang two month advance at one month deposit.
"Kayo lang ho ang nandito?" usisa niya rito.
Biglang sumimangot ang matanda. "Kasama ko ang apo ko sa itaas pero hayun, nag-deliver sa Isabela ng orders." Napabuntong hininga ito at napailing.
"Mukhang sakit niyo ho siya ng ulo," marahang komento niya rito.
Napahagod ito sa sentido. "Si Denim? Naku, hindi naman pero nawili na siya sa shop. Naturingang architect... ni wala pa akong nakitang project niya..." anito saka muling napabuntong hininga. "Hindi mo pa siya nakikilala dahil sa tuwing pupunta ka rito, nag-deliver siya ng order."
Tumango na siya rito at ilang sandali pa ay tinawag nito ang dalawang tauhan nito sa shop para buhatin ang mga gamit niya. Panay ang sulyap ng mga kalalakihan sa kanya at hindi na lamang niya pinansin. Sanay na siyang tinitingnan dahil sa kakaibang itsura niya.
Anak siya ng ina sa isang kano at nakuha niya ang karamihang features ito. One night stand lang daw ang nangyari. Nang mabuo siya ay hinanap ng ina niya ang ama pero hindi siya nito inako bagkus ay umuwi ito ng states. That was her pain number one: abandoned by her own father. Itinakwil ang ina niya at nagpakahirap itong buhayin siya. Bago siya matapos sa kolehiyo ay binawian ito ng buhay dahil sa labis na sama ng loob sa pangalawang asawa nito. Ipinagpalit ito sa mas bata at mas mayamang babae. It was her pain number two... seeing her mother suffered from a terrible heart ache...
Ang buong akala niya noon ay hindi siya matutulad sa ina dahil matapos mamatay ang ina niya, nakilala niya sa isang publishing si Renan, ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya. Sa edad na beinte uno ay nagmahal siya. Writer na siya noon at sa admin ito naka-assign. Nabura ang negatibong damdamin niya dahil sa pagibig nito. Agad silang nagkagustuhan at nang magpasya itong umuwi sa Baguio dalawang taon ng nakakalipas ay sumama siya rito.
Dahil mahal niya ito at pumayag siyang magsama sila ng hindi kasal. Nangako itong magiipon ng ilang buwan para matupad iyon. Gayundin siya kaya puspusan siya sa pagsusulat kaya nagkaroon na rin siya ng mga published books. Naging masaya ang pagsasama nila at walang naging problema sa pamilya nito.
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsi...