CHAPTER 2

4.3K 106 4
                                    

"Para sa bago naming tenant," nakangiting bungad ni Denim habang iniaabot ang isang mangkok ng sinigang na hipon. Agad na natunaw ang puso ni Ethel sa guwapong ngiti nito. Idagdag pang nagabalang muli ang lalaki para dalhan siya ng pagkain. Agad na kumulo ang tiyan niya ng malanghap ang amoy noon. Doon palang niya naalalang hindi pa siya kumakain at tanghalian na pala.

Kung inaakala niyang magkakaroon siya ng pagkakataong makaiwas dito ay nagkamali siya. Magiisang buwan na siya doon at magiisang buwan na rin siya nitong binibigyan ng ulam. Nang mapatingin siya rito ay ngumiti itong muli ay bumilis ang tibok ng puso niya.

Mukhang hindi ito marunong magalit. Laging maaliwalas ang awra nito. Napakalinis din nito sa katawan at tila laging bagong ligo. At dahil doon, hindi niya mapigilan ang pusong kiligin dahil napopogian siya. Babae pa rin siyang nagso-swoon sa ganoong pagpapa-charming nito. Nainis siya sa sarili dahil ilang beses niyang sinuway ang puso sa pagiging lambutin at dito niya laging naibunton ang inis.

"Hindi na ako bago dito, Denim," matabang niyang sagot dito. "Bakit mo ba ito ginagawa?"

"Gusto ko lang namang makabawi mula sa unang enkwentro natin,"

Nang mapatitig siya rito ay natunaw ang puso niya sa sinseridad na nakasaad sa mga mata nito. Bago pa siya madala sa mga mata nito ay umiwas siya. Kinuha na lamang niya ang mangkok para makaalis na ito agad. Gusto na naman niyang sipain ang sarili. Nanginginig ang mga kamay niya! 'Langya kasing presensya mayroon si Denim. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking ito para mailto ng todo ang sistema niya.

"Wala ka naman bang problema dito?" anito habang nasa kusina siya. Mukhang nasa sala lang ang lalaki dahil sa lakas ng boses nito. "Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, ha?"

Nilapitan niya ito saka inabot ang mangkok rito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

"Salamat na lang sa ulam," paiwas niyang sagot para hindi na lumawig iyon hanggang sa pinagmasdan siya nito. "May... may gagawin pa ako," pasimpleng taboy niya rito dahil kundi niya iyon gagawin, baka tuluyan ng madala siya sa mga mata nito at ngiti.

"May laro kami ng basketball sa plaza, baka gusto mong manood," marahan nitong aya sa kanya.

"Hindi ako mahilig sa ganyan," matabang niyang sagot para iparamdam na hindi siya interesado dito pero sa loob-loob niya ay napaisip siya kung magaling ba itong mag-basketball. Magaling kaya itong magrebound? Tres? Assist? Gusto na talaga niyang batukan ang sarili! Why the curiosity all of a sudden? Lihim siyang napaungol.

"Sa susunod na araw, nagkayayaan kaming mamingwit sa ilog. Baka sakaling hindi ka busy—"

"Palagi akong busy. Salamat na lang sa alok, sa ulam at sa lahat. Makakaalis ka na," agad na niyang niluwangan ang pinto at pinilit niyang patatagin ang mukha. Sana lang ay makisama na ito dahil hindi na niya nagugustuhan ang tumatakbo sa isip niya.

"Ethel—"

"Huwag ka na ring magdala ng pagkain dito," agaw niya sa sasabihin dito saka ito tinitigan. "Walang dahilan para pakitaan mo ako ng ganyan,"

Tama ng isipin nitong suplada siya, huwag lang ang isang babaeng mahina na maaari nitong malapitang basta. Kailangan niyang ipakita ang tayog ng pader at hindi siya madaan sa mga malasakit nito. Aba'y tama nang minsan sa buhay niya ay naging mahina siya at umiyak. Wala ng magiging fourth pain.

"Gusto ko lang namang malibang ka kahit papaano," malumanay nitong sagot. Natunaw ang puso niya sa sinabi nito pero ipinilig niya ang ulo. Lumayo siya para iwasan ito pero agad nitong hinawakan ang kamay niya.

THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon