Angel's POV
I guess my decision was wrong. Alam ko madaming tao ang manghuhusga saken ng dahil sa ginawa ko? Eh anong magagawa ko? Ganito ako magmahal. Kaya kong gawin ang lahat wag lang mawala ang taong para saken.
Pagtapos kong sabihin kay Dan yun iniwan ko na siya. Ayoko nang marinig pa kung ano mang sasabihin basta my decision is final at wala na makakapagbago nun.
Wala pa kong pinagkwentuhan ng ginawa ko. Kahit kay Yuki di ko muna sinabi. Alam ko na mangyayari dun pag-nalaman ni Yuki yung ginawa ko. Bestfriend ko siya pero para siyang magulang kung magalit saken at ayoko munang marinig ang sermon niya.
Habang naglalakad ako papauntang school may nareceive akong text mula sa kanya. Kay Dan.
From: Dan
[Sigurado ka ba? Di ko kayang mawala kayo pareho]
Bigla akong napatawa. Haha! Ang galing naman. Dalawa kami sa puso niya. Which is very impossible. Minsan nga napapaisip ako sa ginawa ko eh. Tama ba yun? I was too blind to his love na pati sarili ko di ko na kilala.
To: Dan
'My decision is final. I love you so much'
Bigla ko na lang nasabi yan sa kanya. Ang tanga ko talaga. Please Dan wag kang pumayag. Don't let my crazy heart get fooled. Help me.
Maya-maya pa lang nagreply na agad.
From: Dan
[I love you too. Kita tayo maya. May date kami ni Cess ngayon eh]
Bigla na naman kumirot ang puso ko. Dapat masanay na ko tutal ginusto ko naman to. Sobrang mali ng ginawa ko. Mali talaga! Di ko dapat tinotolerate ang mga kagaya ni Dan. I shouldn't do this.
Di ko na siya nireplyan. Cause I'm too disappointed to my decision. Habang papalapit nako sa school bigla ko naman nakasalubong si Kevin!
"Oh magisa ka ata?" sabi niya.
"Obvious naman di ba?" sabi ko naman. Infairness ah na-miss ko tong mokong na to! Lagi tong nasa tabi ko when I need someone shoulder to cry on!
"Attend attend din ng training pag may time" pagbibiro niya saken. Ilang araw na talaga akong di nakakapagtraining due to some circumstances. Specially, more on Dan ang dahilan.
"Nagpapaalam naman ako kay Coach Jay eh. Bakit ba? Dami ko kayang problema" sabi ko habang naka-pout.
"Wag mo nga akong ngusuan!"
"Baka mahalikan kita eh" mahinang sabi niya. Pero narinig ko pa din.
"Ano?" sabi ko. Kunwari di ko narinig! Pero narinig ko talaga. Bigla naman siyang nagblush sa tanong ko. Alam niya na narinig ko yung sinabi niya kaya medyo nahiya siya.
"Wala!" sigaw niya! Hmmm. Baliw ba to?
"Bakit mokong gustong halikan? Type moko noh? Sabi ko na nga ba gusto mo ko eh." sabi ko habang natawa ng malakas! Sarap talaga asarin nito! Pikon eh! Nakita kong nagblush na naman siya! Ang cute >_____<
"Di ah! Assumera kang matang payatot ka!" Mata? Kailan niya pa kong tinawag na mata?! Alam kong medyo malaki mata ko pero di naman ganun kalaki at alam ko din na payatot ako pero di naman ako ganun ka-payat!
"Anong sinabi mo? 'Matang payatot?' Seryoso ka ba diyan" bigla naman siyang humagalpak ng tawa! Bwiset na tong mokong na to! Ako pa nilait niya!
Tawa lang siya ng tawa! Halos di na siya makahinga kakatawa! "Gusto mo talagang makatikim saken noh?!" sigaw ko sa kanya sabay takbo niya papuntang SF Hall syempre ako naman si tanga hinabol ng hinabol kahit alam kong di ko siya maaabutan!
![](https://img.wattpad.com/cover/5274564-288-k829852.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Fiksi RemajaMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...