"Pare, sino si Marl's?" tanong ni Xavier sa kaibigang si Denim na kasalukuyang nagbababa ng gamit mula sa pick up nito. Siya naman ay kinuha na rin ang travelling bag mula sa likuran ng sariling sasakyan. Balak niyang magbakasyon doon para makapagpahinga.
Kare-resign niya lang mula sa Conduit Controls—a worldwide manufacturer of integrated circuits of commercial aircraft, satellites and space vehicles, launch vehicles, missiles, industrial machinery, wind energy, marine applications, and medical equipment. Isa siyang IT doon pero kahit maganda ang pasahod at kanyang trabaho ay pinili niyang umalis.
Inaaswang kasi siya ng nagiisang anak ng may-ari, si Matilda. Mukhang binigyan nito ng ibang kahulugan ang pagte-train at pakikisama niya para matuto ito. Ang masama pa ay pinag-iinitan na siya ng asawa nitong head nila sa HR Department. At dahil alam niyang sira na ang papel niya roon dahil sa hayagang pinaggagawa ng babae—gaya ng paghalik nito sa kanyang labi habang kaharap ang kanilang mga katrabaho—ay pinili na lamang niyang umalis.
Matagal na siyang hindi umuuwi ng Bataan kaya pinili na lamang niyang sumama kina Denim. Kapapasa lamang nito mula sa boardexam at ayon dito'y uuwi na ito para hawakan ang Marl's Silver Shop.
Wala na rin naman siyang dapat pang puntahan doon. Ang ama niya ay nagkaroon na rin ng sariling pamilya sa Japan matapos ang ilang taong pagkakamatay ng kanyang ina. Namatay na ang kanyang ina dahil naatake ito sa puso. Biglaan ang pagkamatay nito kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maalagan ito. Bukod doon, ang isa pa niyang dahilan ay iniiwasan niyang magkita sila ni Lotus sa Bataan.
Lotus was his wife. Pero maraming naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay nito. Aaminin niya, masama pa rin ang loob niya rito. Napahinga siya ng malalim dahil ayaw na niyang maalala kung paano nito sinira ang magandang samahan nila.
"Lolo ng tatay ng lola ko," paliwanag ni Denim at proud itong tumingala sa signage. Malaki ang utang na loob niya kay Denim dahil ito ang tumulong sa kanya sa Baguio para makahanap siya ng mga sidelines. Palakaibigan kasi ito. Ito ang tipo ng tao na kahit maiwan sa isang lugar ay nagkakaroon agad ng kaibigan. "Gusto niyo bang subukang maging platero? May bayad naman para kahit papaano, may trabaho kayo."
Biglang natawa si Wryle. Kaibigan din nila ito. Silang tatlo ay magkaka-roommate sa boarding house na inuupahan sa Baguio City. Bagaman magkakaiba sila ng kurso, magmula ng magkasama sila sa boarding house ay naging malalapit na silang magkakaibigan. Sila na rin ang naging magkakabarkada hanggang sa nagtapos.
"Habang nagpapahinga kami, nagtatrabaho naman?" ani Wryle at napangisi. "Walang problema. Ayaw ko pa namang tumanggap ng project ngayon. Simple lang muna ang buhay,"
Sangayon siya rito. Napahinga siya ng malalim at pilit na inignora ang kakaibang lungkot na nadama sa puso niya. Nandoon siya para maalis ang kahungkagang ilang taon na ring naglalaro sa dibdib niya.
"Ano?" untag ni Denim. "Masaya rito. Madali lang naman,"
Nagkatinginan sila ni Wryle at kapwa tumango. Wala naman siyang nakikitang masama. Isa pa'y nasasabik rin siyang maging tulad nitong platero. Madalas nitong ipagmalaki iyon at nacu-curious na talaga siya kung ano ang mayroon sa paggawa ng mga accessories. To see is to believe, wika nga.
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotu...