"Yes, I'll be there to sign the contract." malamig na sagot ni Lotus kay Liz. Nag-remind ito sa kanya na patapos na ang bakasyon nila at kailangan na niyang lumuwas. She needed to get out. Gustong-gusto na niya dahil kung magtatagal pa siya sa La Union ay siguradong aasa na naman siya sa ipinakikita ni Xavier.
Matapos silang magniig ilang araw ng nakararaan ay hindi pumalya si Xavier sa pagaalaga sa kanya. Hindi nito nakakalimutang kumustahin ang pakiramdam niya at pinagpapahinga lamang siya. Halatadong nagaalala ito. Marahil, iniisip nitong ang pananahimik niya ng ilang araw ay iniisip nitong masama ang pakiramdam niya.
But the truth was she felt sorry for herself. Natalo siya dahil kinalaban siya ng sariling puso. Doon niya napagtantong madali lang iyong magagawa ni Xavier dahil ito lang ang lalaking minahal niya. At bago pa niya tuluyang ipagkatiwala kay Xavier ang pusong binuo niya ng anim na taon ay aalis na siya.
"Sino'ng kausap mo? Hindi ba sabi ko, magpahinga ka lang sa loob?" alalang tanong ni Xavier. Agad itong naupo sa duyan upang tabihan siya. Nagustuhan niya ang ginawa nitong paghagod sa ulo niya tanda ng paglalambing nito pero parang pinisil pa rin ang puso niya.
It pained her. Naiisip pa lang niya ang tungkol sa kanila, sa hiwalayan nauuwi ang isip niya. Masisisi ba siya? Malamang hindi dahil minsan na nitong ginawa iyon. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas nadagdagan ang mga alaalang dapat niyang kalimutan.
"Kausap ko 'yung manager ko. Kailangan ko na ring bumalik sa Maynila. Marami pa akong aayusin," malamig na sagot niya.
Tumayo na siya at iniwan ito. Naninikip ang dibdib niya. Ayaw niyang magusap sila ng ganoon. Like she needed to asked his permission or explain to him. Hindi pa nila napaguusapan ang nangyari sa kanila. Gayunman, pinagpapasalamat niya iyon dahil ayaw niyang makarinig lang ng mga kasinungalingan nito.
"Kaya mo na ba? Kailan ka aalis?" marahan nitong tanong. Pinigilan niya itong harapin pero napasinghap na lamang siya ng yakapin siya nito sa baywang at halikan ng matagal sa gilid ng leeg. Halos matunaw siya sa lambing nito pero pinigilan niya ang sarili.
"N-Ngayon na," natutureteng sagot niya saka kumalas dito.
God... she needed to get away from him. Natutunaw siya sa mga pinaggagawa nito. Dali-dali na siyang nagbalot hanggang sa mapamaang na lamang siya ng kinuha rin nito ang malaking maleta sa itaas ng aparador at nagimpake rin ito.
"A-ano'ng ginagawa mo?" natutureteng tanong niya.
Ngumiti ito sa kanya. "Sasama ako sa'yo,"
"Hindi ka p'wedeng sumama! Dito ka lang! Maiiwan ka!"
Kapwa sila nabigla sa outburst niya. Napahagod siya sa noo at ilang beses na napabuga ng hangin. Taas-baba ang dibdib niya at hirap na hirap siyang kontrolin ang damdamin. Tinitigan siya nito ng mataman hanggang sa tuluyang nagdilim ang mukha nito ng mapansing seryoso siyang iwan nito.
"Sasama ako kahit saan ka magpunta dahil asawa kita!" mariin nitong saad saka muling itinuloy ang ginagawa.
Tuluyan na siyang naluha dahil nakanti nito ang sensitibong parte sa puso niya. "Ngayon mo naiisip na asawa mo ako? Why? Because we had sex? Dahil sa ginawa ko para sa kaibigan mo? Wala kang karapatang umastang ganyan dahil matagal mo na akong hindi itinuring asawa! You abandoned me!"
Napaiyak siya sa mga palad. Ganoon pala ang bagay na iyon, kapag naalala niyang kaharap ito, mas masakit. Kapag nasagi nito, mas mahapdi. Gayunman, may isang parte ng puso niya ang tila gumaan dahil nasabi niya ang matagal ng ikinikimkim na galit dito. Dahil doon ay isinumbat niya ang lahat ng paghihirap dito. Ayaw niyang mangyari iyon sa ganoong oras pero hiningi na ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotu...