"Wazzup? Dapat masaya ka dahil galing ka sa honeymoon," tudyo ni Natalee kay Lotus pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalaro ng candy crush. Katatapos lang ng rehearsal nila at inaabala niya ang sarili.
She didn't want to stop. Baka kapag tumigil siya, maalala niyang muli ang paghihirap sa mukha ni Xavier at maiyak na naman siya. Ilang gabi na siyang ganoon at alam niyang ang kailangan niya sa mga ganoon pagkakataon ay diversion. Hindi muna siya umuuwi sa tinitirhan kundi nagi-stay siya sa penthouse ng recording company. Gusto niyang sa paggising ay trabaho agad ang atupagin. Sa tingin niya ay epektibo iyon dahil bagsak na siya sa kama kapag sumapit ang gabi.
Pero lintik. Sino'ng niloko niya? She did it many times but she end up thinking about him. Na kahit sa labis na pagod niya at nakakatulog siya agad, nagigising pa rin siya sa kalagitnaan ng gabi at hinahanap-hanap ito. Lalo na't panay ang tawag nito sa cellphone niya at padala ng mga mensahe. Hindi na niya iyon binabasa pa. Laging naka-silent ang cellphone niya. Kailangan ng maputol ang lahat ng iyon para maibalik na niya ang dating disposisyon.
"Mukhang galing siya sa patay. Tingnan mo, halatadong namatayan. Namatay ang puso..." tudyo ni Jill at natawa ang mga ito. Napailing-iling na lamang siya at muling inisip si Xavier. Kumusta na kaya ito? Ah... malamang, katulad niya'y hindi rin ito makapaniwala sa lahat. Nainis siya sa sarili. Bakit ba niya ito iniisip ngayon?
"O, bakit naman para kang hindi mapakali d'yan, Jody? Mukhang may problema ka rin, ah. 'Yung mausoleum mo ba o lalaki din?" nakangising tanong ni Natalee.
"May kasalanan ako kay Lotus..." anas ni Jody at bigla na lamang nitong natakpan ng palad ang mukha nito. Napapansin nga niyang ilang araw na itong ganoon magmula ng magkita sila nito. Parang kumukuha ito ng buwelo na hindi niya maintindihan. Lalapit ito sa kanya pero bigla namang aalis. At dahil okupado ang isip niya sa nangyari sa kanila ni Xavier ay hindi niya iyon pinagtutuunan ng pansin.
Binundol ng kaba ang dibdib niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa ipad saka napatitig dito. Ni hindi niya makuhang kumurap para masigurong nagsasabi ng totoo ang kaibigan niya. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na," aniyang nagpipigil lang.
Lalo itong namula. Gusto na niya itong yugyugin para magsalita na dahil habang nakikita niya itong hindi mapakali ay lalo siyang dinadaluhong ng kaba!
"Lotus, sorry talaga dahil hindi ko sinabi ang tungkol sa nanay niya... Akala ko, gumagawa lang siya ng paraan para mapalapit sa'yo. Isa pa kaya hindi ko na sinabi, aalis na tayo noon papuntang UK..."
Nanikip ang dibdib niya sa narinig. Nakapanlulumo pala iyong mapakinggan. Gusto niyang magwala at magalit pero para saan pa? Hindi naman siya bayolenteng tao pero sa pagkakataong iyon, gusto niya itong ibitin ng patiwarik! "Anong klase kang kaibigan? Sinabi mo pa rin dapat sa akin!" taas baba ang dibdib niya kakapigil ng damdamin.
Hiyang-hiya na napayuko ito. Pulang-pula ang mukha nito sa pagkapahiya. Ilang sandali pa ay naluluhang tumayo ito at pero itinaas niya ang dalawang palad para patigilin ito. "Huwag mo muna akong kausapin," nagngingit-ngit na saad niya saka lumabas ng opisina.
Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa natuklasan. Bigla siyang naawa kay Xavier at the same time, nagalit sa sarili niya. Kahit wala siyang kasalanan, pakiramdam niya ay mayroon. Alam niyang oras na malaman ang nangyari noon ay siguradong pupuntahan niya ito.
Namasa ang mga mata niya at nanghihinang napasandal sa pader. Natutop niya ang noo dahil pumintig iyon sa natuklasan. What her friend did broke her heart. Nagagalit talaga siya!
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotu...