CHAPTER SEVEN

2.7K 70 0
                                    

"Good morning, Xavier... ginataang mais para sa meryenda mo,"

Napabangon mula sa duyan si Lotus ng marinig niya ang malamyos na boses na iyon. Iyon ang inaatupag niya sa buong Linggong pagbabakasyon niya sa La Union. Senyorita siya. Sinasadya niyang huwag kumilos para inisin si Xavier. Nunca na ipagluto at ipaglaba niya ito. Manigas ito. Iyon na ang kabayaran nito sa mga araw na halos wala siyang makain sa maliit na silid na inoukupahan noon. Umalis kasi siya sa condo dahil hindi niya iyon kayang bayaran. Ang maliit na perang galing sa mga gigs nila ay pinagkasya niya sa pagaaral. Iyon ang inuna niya.

Kaya sa lahat ng iyon, tama lang ang ginagawa ni Xavier na tahimik na tanggapin ang lahat. Bagaman nakikita niyang naiinis ito sa mga ginagawa niya ay mukhang nagpipigil itong patulan siya.

At habang pinagmamasdan ang magandang ngiti ni Xavier sa babaeng tisay at seksi sa suot na puting sleeveless at pedal ay totoong nagiinit ang ulo niya. Ilang araw na niyang nakikita ang babaeng baon ng baon dito. Nanahimik siya pero hindi man lang mahiya si Xavier sa kanya!

Agad niyang ibinaba ang gitara sa duyan at naiinis na lumapit sa mga ito. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang nagkukukot na kalooban.

"Hi!" nakangiting untag niya sa babaeng halos maduling na sa pagtitig sa asawa niya. Gusto niyang pagsabihan si Xavier na oras ng trabaho—dahil kasalukyan itong nagwa-wax ng mga sing-sing—ay mahiya naman ito kay Denim. Nang makilala niya ng pormal si Denim ay doon niya napagtantong tama siya. Mabait nga ito. Winelcome siya nito sa shop at inestima. Nakasundo rin niya agad si Ethel na sa kasalukyan ay nagsusulat para sa susunod na series nito.

"Hello," anang babaeng maputla. Nadismaya siya sa kaputian nito sa malapitan. Hindi naman sa panlalait pero mukhang bleach lang iyon. "May kailangan ka?"

Ngumiti siya. "Medyo nagugutom na kasi ako." Aniya saka bumaling sa lalaki. "Xavier..." lambing niya. Doon niya napansing wala na ang ngiti nito sa labi. Nakatitig na ito sa kanya na halos ikailang na niya.

"Paloma, siya ang asawa ko," seryosong saad ni Xavier at labis siyang nabigla. Inaasahan pa naman niyang matuturete ito, tipong magkakandaugaga na ipakikilala siya. Ilang sandali pa ay tumayo ito at nginitian ang babaeng tulalang-tulala. "Sabi naman sa'yo, may asawa na ako," simpleng paliwanag nito na hindi naman ikapapahiya ng babae saka ito bumaling sa kanya. "Sige, bibili ako ng meryenda mo,"

Natulala sila ng babae habang sinusundan ng tingin si Xavier. Bigla siyang naguluhan! Ang inaasahan kasi niya'y itatago nito iyon.

"A-akala ko... hindi siya nagsasabi ng totoo..." naluluhang saad ng babae. Para itong nabasted kung makaasta. "Diyos ko... isa itong malaking kasalanan..."

Nagtatakbo na ito. Namangha siya sa reaksyon nito pero gayunman, muling naibaling ang atensyon niya kay Xavier. Nakita niya itong papasok sa barracks nila at agad siyang sumunod.

"Ano'ng gusto mong meryenda?" agad na tanong nito.

Minulagatan niya ito. "Hindi ako nagugutom!" angil niya rito pero hindi niya maitangging na-touch siya dahil isang sabi lang niya, tatalima naman ito nang walang halong pagbubugnot.

"Sino ba siya at punta ng punta dito?" aniya ng makabawi. Salamat at napigilan niyang kiligin dahil alam niyang isa lamang iyong pagbabalatkayo. Ginagawa lang nito iyon dahil tumatanaw lang ito ng utang na loob.

"Pinsan ni Ador, 'yung runner namin dito. Ilang beses ko ng sinabihan iyon pero hindi nakikinig." Paliwanag nito. "Huwag ka ng magselos. Kahit kailan, hindi ako nagloko kaya sana, ako naman ang pagbigyan mo. Isuot mo na 'yung leggings na binili ko dahil pinagpipyestahan sa shop ang legs mo,"

THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon