CHAPTER FIVE

2.7K 73 4
                                    

MALUNGKOT NA bumangon si Lotus. Araw ng Linggo at kaarawan niya. Magsisimba na lamang siya kahit magisa. Si Xavier ay hindi pa tumatawag sa kanya. Lalo tuloy siyang nalungkot dahil alam niyang malabo itong makarating. Kagabi ay tumawag ito at sinabing mayroon itong proyektong kailangang i-rush. Lunes daw ang deadline noon kaya malabo itong makabiyahe.

Naghanda na lamang siya ng sarili. Magisa siyang nagtungo sa Baclaran at nanalangin. Kumain na lamang siya sa isang fast food at halos maiyak na naman siya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nag-birthday siya na hindi niya nakasama si Xavier magmula ng maging sila nito.

Naalala tuloy niya ang mga simpleng regalo nito. Noong third year high school sila ay binigyan siya nito ng teddy bear para yakapin kapag nalulungkot siya. Sa ngayon ay iniwan niya iyon sa cabinet niya para hindi maluma. Noong kaarawan niya ng fourth year high school ay binigyan siya nito ng diary. Ilagay daw niya ang lahat ng saloobin doon kapag may mga bagay raw na hindi niya masabi rito. Hanggang ngayon ay ginagamit niya pa rin iyon.

Nang magtapos sila ng high school ay binigyan siya nito ng white gold bracelet. Bagaman mababa lang ang karat noon ay okay lang sa kanya. Dahil magkakalayo sila, kadena daw niya iyon rito at katibayan na wala na siyang kawala rito. Syempre naman ay kilig na kilig siya, mayroon naman kasi itong kadenang nalalaman.

Noong isang taon ay binigyan siya nito ng mamahaling pick ng gitara. Nang makita niyang sa internet pa ino-order iyon sa isang music store ay nabilib siya. Hindi tuloy niya maiwasang tumindi ang damdamin dito dahil sa suporta at pagiging maalalahanin nito.

Pero alam naman niyang hindi sa lahat ng oras, Christmas. Dadating din ang ganitong pagkakataon dahil may kanya-kanya silang buhay. Nalungkot siya sa naisip. Maging ang mga kabanda niya ay hindi libre kaya wala tuloy siyang makasama.

Malungkot na nagikot-ikot na lamang siya sa mall. Gabi na ng makauwi siya at nagulat na lamang siya ng makitang nakaupo sa labas ng pinto niya si Xavier. Bumilis ang tibok ng puso niya at halos liparin na niya ang distansya nila. Nagtaka na lamang siya ng mapansing hindi ito tumitinag hanggang sa natunaw ang puso niya ng makitang nakatulog na ito!

"Xavier?" mahinang tawag niya rito at marahang tinatapik ang pisngi nito.

Napaungol ito. Nang magmulat ito ng mga mata at makilala siya'y bigla itong napatayo. Napahagod pa ito sa ulo nito. Halatadong pagod ito galing sa biyahe. "K-kanina ka pa?"

"A-anong ginagawa mo rito? Akala ko may project kang gagawin?" naluluhang tanong niya pero aaminin niya, bigla siyang sumaya ng makita ito. Dahil doon ay niyakap niya ito ng mahigpit. "Akala ko... hindi na kita makakasama sa birthday ko..." naluluhang anas niya sa dibdib nito.

Bahagya itong natawa at tinugon ang yakap niya. Mas mahigpit kaysa sa inaasahan niya. Napakurapkurap siya dahil lalong namasa ang mga mata niya. Dama niya sa yakap nitong na-miss din siya nito. "Kagabi pa ako bumiyahe. Nasiraan lang 'yung bus na sinasakyan ko kaya medyo nahuli ako ng dating. Surprise sana kaso... mukhang nabulilyaso dahil nga na-late ako..."

"Nakakainis ka!"

Natawa na lamang ito ng kurutin niya ito sa tagiliran. Hinuli nito ang kamay niya at hinalikan. Natunaw ang puso niya. "Happy birthday, hon..."

Napangiti siya, lunod na lunod sa labis na kaligayahan. "Thank you..."

Ninakawan niya ito ng halik. Mukhang nabigla ito kaya natakpan na lamang niya ang mukha sa sobrang kahihiyan!

"Wala pa 'yung regalo ko, may kiss na agad?" namamanghang saad nito.

"A-anong regalo?" bigla siyang nasabik! Hindi talaga ito pumapalya. Nang ilabas nito sa isang sulok ang malaking guitar case ay nanikip ang dibdib niya. Halos manginig na ang mga kamay niya ng buksan iyon at namangha siya! "Ganito ang gitara ni Raymund Marasigan ng Eraserheads, 'di ba?" namamanghang tanong niya. Idolo niya ang lalaki sa galing at dami ng instrumentong kaya nitong hawakan.

THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon