"You know that I'm a crazy bitch, I do what I want when I feel like it... all I wanna do is loose control... Oh, oh... but you don't really give a shit... you go with it... go with it... 'cause you're a fucking crazy rockin' roll!"
Ganadong pinagpatuloy ni Lotus Cagayanan ang pagtipa sa guitar para sa awiting Smile ni Avril Lavigne. Request song iyon at pinagbigyan nila ang humiling noon. Isa pa'y iyon ang winning piece nila noong manalo sila sa Musiklaban. Naging daan ang kompetisyong iyon para makilala sila hindi lang ng mga sikat na recording company sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
They grabbed the opportunity to be in Virgin Records. Nakatunog sila noon na maraming foreign recording company ang dadayo dahil sa paghahanap ng bagong talent kaya hinusayan nila talaga. Sulit ang pagpupuyat at pagod nila sa ensayo dahil nakamit nila ang tamis ng tagumpay. Naging mabilis ang lahat. Sa loob ng igsi ng panahon ay napamayagpag sila sa ere. Milyon ang inakyat nilang kita sa kumpanya dahil sa mga albums nila at sa mga kita pa ng mga concerts nila sa iba't ibang panig ng mundo.
She closed her eyes, ah... she felt the music over flowing from her soul. Damn, that's where she really belongs: limelight with her guitar. Sumabay siya kay Jill, ang vocalist at rhythm guitarist ng banda nilang Toasted Candies. Back-up vocals din silang lahat dahil pawang magaganda ang boses nila. Nasa kolehiyo pa lang sila ay magkakaibigan na sila nito. Magkakaiba ang mga kurso nila pero naging magkaklase sila sa isang minor subject.
They shared the same passion: music. Magmula noon ay nangarap na sila makarating kung nasaan man sila ngayon at nangako siya sa sariling hindi iiwan ang mga ito dahil alam niyang ganoon din ang banda sa kanya.
They are the only person she had. Apat silang makakabanda. Si Natalee ang bassists nila at si Jody ang drummer nila. Ito ang mga naging karamay niya nang maghingalo ang puso niya dahil sa kanyang asawa.
She shrugged the pain formed her chest. It was six years pero nandoon pa rin. Matindi pa rin ang sipa. Marahil, dahil sa katotohanang sa loob ng mga taong iyon ay ito lang ang inisip niya sampu ng napakaraming katanungan kung paano nito nagawang lokohin siya.
Aaminin niyang wala sa panahon ang kanilang pagaasawa. Nahiya nga siya noon dito pero ito ang naging determinado. She loved him more because of that. Iyon pala, sa lahat ng sakripisyo nito ay tila isang simpleng bagay lang dito kaya madali lang para ritong itapon.
Napakurapkurap siya ng mulagatan siya ni Jill. Nawala tuloy siya sa ginagawa at lihim na napamura sa isip. Damn, Xavier! He was still a nuisance. Hanggang ngayon ay kaya pa rin nitong guluhin ang isip niya. Huwag lang itong magpapakita sa kanya dahil siguradong babawi siya. Oh, she will do everything to screw him.
"Hey, what happened up there? Last gig na natin 'to, last song na iyon na ni-request ng tao sa atin, lumutang ka pa kanina," sita sa kanya ni Jill.
Hindi naman ito mukhang galit. Sinundan siya nito sa dressing room matapos nilang tumugtog at tila nahahapong naupo siya sa sofa. Hinilot niya ang sentido. "Pagod lang ako,"
Natawa si Natalee. "Ngayon ko lang narinig 'yan. Nakakalimutan mo na bang hindi ka napapagod?"
Natahimik siya dahil totoo ang sinabi nito. Magmula ng maghiwalay sila ni Xavier ay banda at pagaaral ang inatupag niya. Ginawa niyang dibersyon iyon. Pinatay niya ang sarili sa labis na pagta-trabaho. Practice dito, duty doon ang ginawa niya dahil kumukuha pa lang siya ng Nursing noon. Sa ngayon ay license nurse na siya at nasubukan din niyang mag-practice ng ilang buwan. Gayunman, nang manalo sila sa Musiklaban at dumating ang magandang oportunidad ay nag-resign na siya sa ospital na pinapasukan dalawang taon ng nakararaan.
BINABASA MO ANG
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)
RomanceTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotu...