CHAPTER SIX

2.7K 72 0
                                    

"Ano'ng ginagawa mo rito at paano mo ako natunton?" matabang na tanong ni Lotus kay Xavier. Bahagyang kumalma ang pagkaturete ng sistema niya ng maalala ang lahat. Gusto niya itong sugurin at pamukhaan pero nagpakapigil siya. Ayaw niyang makita nitong labis siyang naapektuhan sa pagdating nito.

Gayunman, gusto niyang mabilib sa sariling reaksyon nang muli itong makita. Aaminin niya, matindi pa rin ang tadyak nito sa sistema niya. Malalim at malakas kaya hirap siya ngayong huminga. Silang dalawa na lamang ang nasa silid dahil binigyan sila ng privacy ng mga kasamahan niya. Nakita niya lang na gumwapo pa itong lalo sa paglipas ng panahon, mukhang naturete ng todo ang sistema niya.

Bakit naman hindi? Lalo itong naging hawig ni Chase Crawford. Kahit halatadong daliri lang nito ang dumaan sa may kahabaan nitong buhok ay guwapo pa rin ito sa kahit saang anggulo. Taglay pa rin nito ang mapupungay na mga mata , ang ilong nitong matangos ngunit naging mas lalaking-lalaki ang dating, ang labi nitong mahuhubog at namumula'y tila tumingkad pa.

Lumaki na ang katawan nito at taas. Wala ng bakas ang dating dise otso anyos na lalaking pinakasalan niya. Isa na itong ganap na lalaking-lalaki. May angas, tumindi ang karisma dahil sa mga stubbles nito na nagpatindi pa ng karakter nito.

And her heart was still clearly shouting his name. Doon niya napagtantong hindi pa ito nakalimutan ng puso niya. Lahat-lahat. Pagmamahal, sakit, pait at galit. Sa pagtakbo ng panahon, aaminin niyang naunawaan na niya ang naging reaksyon nito. Nevertheless, it's not enough reason to abandon her.

"Two weeks ago, tinawagan ko ang daddy mo noong nasa La Union pa kami ng mga kaibigan ko dahil kailangan ko ng tulong. Luckily, he was staying at Bataan now at nagkasundo kaming magkita para pagusapan ang taong ipinahanap ko. Kanina, nagkita kami sa condo niya sa Makati at..." anito saka desperadong napahagod sa buhok. "Nagusap kami ng tungkol sa atin at nadismaya siya. Pinagalitan niya ako at para daw ibigay niya ang lahat ng kailangan ko ay makipagayos muna ako sa'yo. Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka. You know that your father have his own way to find you, right?" mahabang paliwanag nito sa kanya habang matamang nakatitig sa kanya.

Ah, hindi lang pala ang itsura nito ang nagbago, maging ang pakikitungo nito sa kanya at pananalita. Kung makapagsalita ito ay parang wala sila nitong pinagsamahan. Hindi tuloy niya maiwasang masaktan lalo na't nalaman niyang kailangan lang pala nito magkaroon ng matinding pangangailangan para siya nito puntahan. Sa kabilang dako, nakakagulat para sa kanya na lamang inaalam din pala ng ama niya ang mga itenerary niya. Gayunman, dahil nagkaedad na rin siya ay alam na niyang itago and mga emosyong iyon sa puso niya.

"Mukhang close na kayo?" nakakalokong tanong niya. Napangisi siya ng magtiim ang bagang nito.

"Paano ako makakatanggi sa kanya? Sige, aaminin ko. Malaking bagay ito para sa kaibigan ko kaya please lang, pumayag ka na sa gusto niyang makitang inaayos natin ito. Hindi ibibigay ng tatay mo ang resulta sa akin kapag hindi ka niya nakitang kasama ko. It was his suggestion. He wants you to come with me in La Union. He knows that you're in vacation after your gig here,"

"So, nagpapauto ka? Ganoon?" nakakalokong tanong niya.

Namula ang mukha nito sa inis. "How can I say no to him? Hawak niya ang susi sa pagkikita ng kaibigan ko at ng girlfriend niya. Why can't you just say yes and then let's go?"

What he said angered her more. Ni hindi ito nakikiusap sa kanya, parang naguutos pa. Kailangan pa nitong magkaroon ng dahilan para makipagkita sa kanya at utusan ng ama niya hanggang sa nadismaya siya sa sarili. Why the hell would still mattered to her? Dapat ay hindi na siya nasasaktan pa. Nakaya nga nitong iwanan siya, dapat ay alam na niya ang kapasidad nitong sugatan ang puso niya.This man hurt her. She promised to herself that she would get even.

THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon