CHAPTER EIGHT

2.9K 87 0
                                    

"Ano'ng nangyari?" takang tanong ni Lotus kay Wryle ng dumaan ito sa harapan niya. Nakita niya itong kumuha ng tubig sa kusina at nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niyang pinapaypayan ang isang may katandaang platero, si Mang Igme. Medyo namumutla na ang matanda at panay ang hagod sa noo nito.

"Nahihilo raw, eh." Tanging sagot ni Wryle at nilapitan nito ang matanda. Wala si Denim ng oras na iyon dahil nilalakad nito ang kasal kasama si Ethel kaya sisila lamang ang nandoon. Mainit ang araw na iyon at mukhang iyon ang dahilan kung bakit nahihilo si Mang Igme.

Atas ng dating propersyon, saglit niyang iniwan ang gitara at kinuha ang mga gamit niya. Laging dala niya ang sphygmomanometer, pulseoximeter at ilang mga gamit. Alam niyang kakailanganin niya iyon katulad na lang sa ganoong pagkakataon.

"Excuse me," aniya at bahagyang nginitian ang mga tao roon. Ilang sandali pa ay tiningnan niya ang matanda. Dalawang taon din siyang nag-practice sa isang pampublikong ospital kaya alam niya ang gagawin. Kinuhanan niya ito ng BP at isinuhestyon na lamang niyang pauwiin ito para makapagpahinga dahil sa taas ng BP nito. Agad naman itong hinatid ni Wryle. Dagdag pa niya, kapag hindi pa guminhawa ang pakiramdam nito'y dalhin na ito agad sa ospital para malapatan ng lunas.

"Ako rin nahihilo,"

Natigilan siya ng maupo si Xavier at nilapag ang kanang braso nito. Ilang araw na niyang napapansin na parang mabait ito. Ang totoo'y hinahanap niya ang nakitang galit dito noong magkahiwalay sila pero hindi niya iyon makita. Oo at naiinis ito pero hanggang doon lang, ni hindi siya nito pinapatulan. At napapansin niyang hindi ito nagrereklamo sa katamaran niya. Ni hindi ito umaangal kung sinosolo niya ang electric fan at sa ibaba ito ng kama natutulog.

Napatikhim ito at tumingin sa malayo. Medyo masungit ang mood nito ngayon. Napaismid siya. "Alam kong wala kang sakit,"

"Nahihilo talaga ako," anito saka hinimas ang batok. Napatitig siya rito at kinabahan siya ng mapansing nangangalumata nga ito at namumutla. Hindi tuloy niya masisi ang sarili kung bakit siya biglang nagalala rito.

Napabuntong hininga siya at kinuhanan ito ng BP. Natigilan siya ng makitang marami itong kagat ng lamok sa braso nito. Itinututok nito ang electric fan sa kanya, iyon pala ay pinapapak na ito ng lamok sa ibaba...

Nang sabihin nito ang normal BP nito'y napakunot ang noo niya. "Ang baba naman ng BP mo, ninety over seventy kumpara sa one-twenty over ninety mo," takang tanong niya. Nagalala na siyang tuluyan dito. Napaisip siya ng masusustansyang pagkain na kailangan nitong kainin. Hindi naman daw madalas iyong mangyari kaya nasisiguro niyang makukuha pa iyon sa pagkain at vitamins.

"Napuyat lang 'yang kakaisip sa'yo," tudyo ni Wryle. Pambihira, kadadating lang nito mula sa paghatid kay Mang Igme, nakabiro na agad ito. "Anak ka ng tinapa, Xavier. Katabi mo na si Lotus, iniisip mo pa rin siya? Ikaw na!"

Biglang naginit ang pisngi niya. Hindi tuloy niya maiwasang maapektuhan buwisit na 'yan! Kinalma niya ang sarili. Hindi na siya ang dating eighteen-year-old na babaeng madaling mauto. Pero nagaalala siya? Gusto na niyang batukan ang sarili talaga! Simpleng anemic lang nagtuturete na agad siya? Tumikhim siya at tinanguan ito.

"Magpahinga ka na nga lang muna,"

Umalis na siya at nagbalik sa silid. Bigla siyang kinabahan na ewan. Gusto na niyang iuntog ang ulo. Dapat masaya siya dahil sinisingil ang kalusugan nito dahil sa ginawa nito sa kanya pero letse! Nagaalala talaga siya.

Nang pumasok ito ay nagpanggap na lamang siyang may ginagawa. Napamata na lamang siya ng mapansing naupo ito sa kama at sumandal sa head board saka ipinikit ang mga mata. Ilang beses niyang pinagsabihan ang sariling huwag itong lapitan pero natagpuan na lamang niya ang sariling nauupo sa tabi nito.

THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon