kaya ko ba?

2.8K 47 4
                                    

Kaya ko ba?

By: gean

Sa araw araw na pamumuhay ,
Nagtitiis pero kailangan lang ng husay,
Bakit nga ba ganito ang buhay?,
Pasensya na hindi ako katulad nyo na kay tibay ,

Tadhana ba talaga to o tayo mismo ?,
Tama pa ba o sadyang mali lang talaga ako ,
Kailan ba titigil ang ikot ng mundo ,
Kaya ko ba? Ang mabuhay nang ganito,

Ano ba talaga ang nangyayari ,
Kapangyarihan  na ba talaga ang namayani,
Ang mga tao ay nag aagawan sa mga bagay na hindi nila pagmamay ari,
Tama pa ba ang aking tatahakin,

O ang tamang tanong ay kaya paba?
Hindi ko alam pero bakit ba?
Kaya ko pa ba? madali lang naman kaya ou na,
Naghihirap ako sa buhay kong pinaasa,

Masakit pero kailangan ito ay pigilan,
Sa tuwing ikaw ang nakikita ko lalo akong nasasaktan,
Siguro yon ay dahil sa masakit na katotohanan,
Na tayong dalawa kahit kailan ay hindi na magkakatuluyan,

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon