Break up

635 8 0
                                    

By:gecyl👍

Masakit man ay kailangan kong tanggapin,
Na dapat lahat ng problema'y harapin,
Pero sadyang nakakapanghinayang isipin,
Na simula ngayon kailangan na kitang limutin,

Mamimiss ko na ang iyong boses,
Di na ako eefort para sa mga roses,
Hahanap hanapin ko na ang iyong mga yakap,
Pati narin ikaw na makulit kong kausap,

Mahal ko ikaw parin,
Ang palagi kong pipiliin,
Siguro nga tapos na ang tayo,
Pero ang puso ko'y para sayo,

Ni minsan ay di kita niloko,
Pag ibig ko sayo'y totoo at puro,
Nais kitang palagi ay kasama,
Ngumiti ka palang ako'y masaya na,

Wala ng tayo at alam ko yun,
Pero di ko matanggap na hanggang don lang yun,
Naisin ko mang hawakan ang iyong kamay,
Pero hindi na.. sapagkat tayo'y naghiwalay,

Break up salitang masakit,
Di ko na kinaya ang hinanakit,
Sa pag asa lamang akoy kumakapit,
Sana namay ako sayo'y makalapit.

(Break up) requested by :jill gepanago
Written by: GECYL MARIE 👍

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon