Pangako

1K 24 0
                                    

By: gecyl (true name ko♥♥)

Naniniwala ako sa iyong mga pangako,
Naghintay ako hanggang sa ito ay na pako,
Sabi ko sa sarili ko habang naghihintay,
May pag asa pa kaunting hintay,

Hinintay ko ang araw na iyon sinta,
Pero lumipas na ang mga araw naghintay lang pala ako sa wala,
Nasasaktan man pero patuloy parin akong kumakapit,
Sa pangako mong alam kong sasapit,

Ilang taon na sinta,
Di ko alam kong sasaya pa,
Ayoko ng maghintay sayo,
Nasasaktan na ang puso,

Nasasaktan ako hindi dahil sa alam kong naloko ako,
Kundi dahil sa katotohanang nag pakatanga pa ako,
Bakit pa ako umasa,
May mahal ka na palang iba,

Sana sa umpisa sinabi mo na,
Pinag mukha mo lang akong tanga,
Angsakit alam mo yon,
Ang mag hintay sayo noon,

~best_promises_that_meant_to_be_broken

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon