Gyera ng puso

202 0 1
                                    

  

Gyera ng Puso

Mayo a Bente tres sa taong dalawang libo labing pito.

Kung saan sumiklab ang gyera ng rebelde't sundalo.

Ang araw na iyon ay malamang tanda mo.

Yun din kasi ang araw ng ating pagtatagpo.

Mahal ko, sa kabila ng malungkot na pangyayari.

Mayroon namang kasiyang namayani.

Sa araw na iyon alam kong puso ang mamayani,

Dahil ako ay gigyera upang ika'y maging pag aari.

Isa kang rebeldeng dumating sa aking mundo.

Ang ngiti mo syang balang panlaban mo.

Hindi naging handa ang isang tulad ko.

Ako ay napuruhan dahil pagbihag mo ang puso ko.

Hunyo lima sa taong dalawang libo labing pito

Pinakamasayang kaarawan ko At dalawang linggo makalipas ng gyera sa mundo ko.

Sa mismong araw na ito Pinagtapat mo ang damdamin mo

Ako naman ay naging sundalo sa sinambit mo Inisip ko na handa ko ng ipaglaban ang puso ko

Ipinaalam ko sa pamilya ko ang tungkol sayo

Alam kong maaari nila akong ilayo sayo

Pero nanindigan ako sa gusto ko

Mag aaral lang naman ako kahit may pag ibig na sayo

Lubos ang aking saya ng sila ay pumayag na Basta pag aaral muna ang siyang mas mahalaga

Natuwa sila dahil ikaw ang una kong pinakilala Halos walang katapusan ang pang aalaska nila

Mahal ko, ang saya ay abot hangang dulo

Napagtagumpayan ko ang gyera ng puso ko Ngunit...

Nagulat ako sa sinabi mo Mahal, pinag laruan mo lang pala ako

Sa gyera ng puso ko ako pala ang talo

Di ako naging handa sa sinabi mo Di ko nakita ang totoong motibo mo

Ang motibo mo pala ay mapaibig lang ako

Nag kamali ako na nagtiwala sayo

Di pala kasama sa motibo mo ang mahalin ako Mahal ko, kasing peste ka ng mga rebeldeng napapanood ko!

Lumaban ako pero anong ginawa mo!? Minahal kita pero ginago mo ako.

Mahal ko sana ay masaya ka sa paninira mo

Mismong araw ng kapanganakan ko ay dinungisan mo!

Nalinlang ako ng kilos at salita mo.

Mahal ko, napakasakit mag mahal ng isang rebeldeng tulad mo

Ngunit ako ay swerte parin dahil buhay pa ako.

Tumagal lamang ng isang buwan ang panliligaw mo

Dahil dun nasalba ko ang puso ko.

Mahal ko, ngayong Mayo aBente Tres taong dalawang libo labing walo

Asahan mong di na dadaloy para sayo ang luha ko

Sa araw ding ito ikaw ay lilimutin ko Isang taon na ang makalipas ngunit sugat ko at wala paring lunas

Mahal ko hindi na kita kailangan upang punasan mga luha ko

Kasi kahit sariwa pa ang mga sugat na ginawa mo

Kaya kong bumangon at ipaglaban ag pagkatao ko Isa akong sundalo sa gyera ng puso ko

Sa dadating na Hunyo lima taong dalawang libo labing walo

Asahan mong hindi mo na masisilayan ang katulad ko

Sa pagtungtong ko sa wastong gulang na ito

Ang labing pitong gulang na nakilala mo hindi mo na masisilayan sa mundo

Maisisilang ang labing walong taong gulang na bago

Na alam kung paano tumuklas ng tunay na motibo

Mahal ko alam kong hindi na siya makakatagpo ng tulad mo

Dahil alam kong malatas na ang isip upang pumili ng totoo

Asahan mong makakakita siya ng taong papahalagahan siya tulad ng pagpapahalaga ko sayo

Asahan mo ring ang mga pagkakamali mo ay masasalamin sa pagtanda mo

Asahan mong sa pagtanda mo makakahanap ka ng katulad mo

Nahanda kang paiyakin hanggang sa matanggap mo karmang para sayo




©tto Kimberly Mae Borromeo/AlengUmeng  

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon