Buhay ko ay masaya,
Kaya tawag nila sakin ay ligaya,
Buhay ko ay kinakaya,
Sapagkat marami ng tao na gumagaya,Buhay ko ay mapayapa,
Mayapa dahil sila ang kasama,
Sila ang nandiyan pagkailangan,
Hindi mawawala mag pakailanman,Kasama sa mga harutan,
At palagi sila ang katuwaan,
Mahal ko sila yan ang totoo,
Sila lang ako ay kompleto,Mawala sila ay di ko ata kaya,
Nabubuhay din naman ako pero hindi malaya,
Buhay ko ay ganito,
May kasiyahan pero nakakalito,May mga araw na gusto kong magpakamatay,
Kaya maabutan na lang nila akong walang malay,
Tapos malalaman ko nalang sila pala ang buhay ko,
Kaya mas pipiliin ko nalang mabuhay dahil yan ang gusto,Gusto ng aking puso at isipan,
Sabi nila ang panginoon ay nandiyan,
Gusto kong humingi ng tawad,
Sana sa mga kasalanan ko ako ay maka bayad,Ang pamilya ko ay nandiyan at sumusuporta,
Dahil ako raw ang anak nilang makata,
Masaya ako sapagkat kasama ko sila,
Gusto ko lang naman ang maging malaya,Malaya sa lahat ng dapat pagpilian,
Malaya sa pag alam ng tama sa kamalian,
Malaya sa pag gamit ng sariling oras,
At mag karoon ng araw kung kailan kasama ko ang mga rosas.
![](https://img.wattpad.com/cover/124048343-288-k430501.jpg)
BINABASA MO ANG
Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)
PoetryThis is my poetry hope you like it.