By: gecyl
Nakakatuwang isipin na sasapit na ang aking kaarawan
Di man ako makapaniwala pero kailangan
Masakit man pero tatanda parin ako
Kahit anong gawin ko ay hindi ko na mababagoKaya sana kahit tumanda man ay nandiyan parin kayo
Dahil kapag tayo ay magkakasama walang makakatalo
Limutin man tayo ng mundo
Basta pangalan natin ay nasa isip at pusoSana isipin natin ang isat isa
Sapagkat sa huli tayo parin ang magkasama
Lumabo man ang mga mata
Tandaan lang natin ang mga mukhaNagpapasalamat ako sa diyos sa buhay na binigay
Binigay niya sa akin ang lahat kasama na ang bahay
Salamat rin sa kanya dahil ako ay may tibayNabuhay ako ng makulay nang dahil sa kanya
Nabuhay ako ng tahimik at mapayapa
Nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay
Nakamit ko rin ang mga inaasam na bagaySiya ang nag bigay talino at lakas
Sa buhay kong ito na sadyang mapangahas
Siya ang nagbigay ng napakabuting pamilya
Na kahit tumanda man sila ang aking kasamaSalamat rin sa kanya at ako ay may kaibigan
Sila ang nandiyan pag sila ay kailangan
Kahit anong mangyari mahal ko sila
Tumanda ako pero sila ay nasa alalaAt napakaraming salamat panginoon
Kahit na lumipas na ang napa karaming panahon.
![](https://img.wattpad.com/cover/124048343-288-k430501.jpg)
BINABASA MO ANG
Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)
PoesíaThis is my poetry hope you like it.