Pagkagusto

720 17 1
                                    

By: gecyl (true name ko♥♥)

Pagkagusto nga ba ang tawag?
Sa nararamdaman nitong dilag?
Babaeng walang alam kundi ang mag mahal,
At ang gustuhin rin ang tanging dasal,

Sa bawat araw ,bawat gabi ,
Ngalan lang niya ang binibigkas ng labi,
Magustuhan ka rin niya ay ang iyong nais,
Kaya naghihintay ka at nag titiis,

Kapag nakikita siya puso moy tumitibok,
Tumitibok ito katulad ng usok,
Usok na kelan man di mo kayang pigilan,
Itoy napakabilis at parang walang hangganan,

Kapag siya ay nakitang may babaeng kasama,
Di mo malaman ang nararamdamang kaba?
Makita mo lang ang kanyang pag ngiti,
Mahal mo na nga siya at di ka mag sisisi,

Gustuhin mo man siya ng lubusan,
Puntahan mo man siya kahit saan,
Sundan mo man ang bakas ng kanyang dinaanan,
Alamin mo man ang lahat sa kanya kasama na ang tahanan,

Kahit kailan di mo parin mababago ang pagdating ng oras,
Oras kung saan sakit rin ang iyong ma danas,
Gusto mo siya pero di ka niya gusto,
Sinasabi ko sayo ngayon palang magpakasaya ka na ng todo,

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon