AIME AT ZEKE (mhiamb)

257 4 2
                                    

  

by : gecyl|me|myself|and i wahaha

Nagsimula ang lahat sa hindi pagkakaintindihan,

Dalawang taong may kakaibang katangian,

Isang Aemie na nagmula sa masiyahing pamilya,

At isang Ezekiel na lumaki sa yaman at gara,


Aemie na punong puno ng katangahan,

Ay nadala nya ito pati sa loob ng eskwelahan,

Lutang ang utak at pati droga ay napagdiskitahan,

Kung kaya't sya'y pinagalitan at pinaunang mag uwian,


Guro nya'y nagalit at sa kanya'y may binigay na misyon,

Kung saan nakilala nya ang isang tao, Sa hindi inaasahang sitwasyon,

Ezekiel Roswell ang kanyang ngalan,

Tunay na sa lahat ng bagay ay hindi malamangan,


Isang reyno na tunay na tinitingala ng karamihan,

Makakatagpo ang magandang reyna ng katangahan,

Sa isang iglap reynang aemie ay kanyang naasawa,

At sila'y tumira sa isang tahanan ng magkasama,


Maraming nangyari na kanila'y hindi napaghandaan,

Katulad na lamang ang maduguang pakikipaglaban,

Zeke na kilala rin bilang pinuno ng isang mafia,

Maraming kalaban subalit lahat nama'y kinaya,


Pag iibigan man nila'y maraming naging hadlang,

Patuloy parin silang lumalaban at nagdidiwang,

Sa paglipas ng panahon reynang aemie ay nagsilang,

Lahat ng kanilang mga tauhan anak nila'y ginalang,


At ang panahon ay lumipas ,

Anak nila'y itinakas,

Bullet ay nawala at hindi nahagilap,

Matagal na panahon at sya'y muling nahanap,


Subalit lahat na ay nagbago,

Marami ng namatay at mga pamilyang na buo,

Mga kalaban ay nagsitago,

At sa pangalawang pagkakataon pamilya nila ay nakompleto.


Sa istoryang ito tayo'y napatawa at napakilig,

At sa dalawang taong umiibig,

Mga mambabasa'y patuloy na umaabang,

Sa kay yanajin na mga hakbang,


Sa istoryang ito sakit at kalungkutan ay ating naranasan,

At di rin makakalimutan ang mga araw na ito ang ating katawanan,

Patuloy lamang tayo sa pagsusubaybay,

Sa paboritong manunulat nating naglalakbay.

Sad Teens With Happy Faces(poetry Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon