Naranas ko na.
Nais ko sanang ibahagi ang aking kwento,
At umaasa akong ito'y iyong mapagtanto,
Ako'y isang babaeng di kagandahan o may taglay na kabutihan,
Isang babaeng natawagang maldita at may kabaliwan,
Sabi ng iba supladata ako at maldita,
Pero tunay naman raw na sa kanila ako'y nagpasaya,
Dahil kahit ako'y may pagka masungit,
Sadyang totoo naman at ugali ko'y hindi pangit,
Masaya raw akong kausap,
At iniisip nila na sana balang araw sila ay aking mayakap,
Gustuhin ko man subalit hindi ko alam kung paano bang sila' y iharap,
Kasi mahirap rin para sakin nasa kanila'y magpanggap,
Hindi nila alam ang aking istorya,Na di ako katulad ng ibang tunay na masaya,
Kasi kahit ni minsan ay di ko po naranasang maging malaya,
Sa pagpili kung anong tunay kung kaya,
Gusto kong sumigaw ng AYOKO NA,
PAGOD NA PAGOD NA AKO,
TULUNGAN NIYO AKO,
NAKAKASAWA NA,
NASASAKTAN AKO,SAKLULO
Pero hindi kahit sa pagsigaw man lang ay di ko kinaya,
Hindi to pweding malaman nila,
Kasi alam ko.
Alam kong may kanya kanya rin silang kwento,
Ayoko ng dumagdag pa sa mga problema nila,
Kasi alam kong mahihirapan lang sila,
Gusto kong isigaw na nakaranas na ako,
Nakaranas na akong humingi ng saklolo,
Naranasan ko ng Umiyak mag isa,
Humagulhol ng walang kasama,
Ang tiisin ang sakit mag isa sa kama,
Naranasan ko ng ikulong ang sarili at nawalan ng pag asang maging malaya,
Naranasan ko ng Humingi ng tulong,
Marinig ang iba't ibang bulong,
Na sana ay hindi ko nalang naranasan,
Sapagkat akin lamang ito'y pinagdusahan,
Naranasan ko ng Matulog mag isa at walang katabi,
Ang kumain at walang kasabay,
At ang mabuhay ng walang kulay,
Bumangon ng walang sapat na tibay,
Ang pag pigil sa pag sigaw dahilan ng sobrang sakit,
Sa mundong ito na kay pait,
Ang magtago sa maraming tao,
Sa mga tingin nilang di ko matatalo,
At sa mga salita nilang mapanghusga,
Na minsan ko ng dinama,
Naranasan ko ng humawak ng bato,
At aking ipukpok sa aking ulo,
Naransan ko ng hawakan ang isang matalim na kotselyo,
At minsan ng sa sarili ay itinusok,
Masakit at ako'y napuno na ng dugo,
Na sa huli'y aking pinagsisihan,Naranasan ko naring humiling,
Na sana sa hindi na ako magising,Pag sisi ang aking nadama,
Ng makita ang magulang kong lumuluha,
Madilim man ang ibang bahagi ng aking kwento,
Hindi parin ako nagsisi sa lahat ng aking napagdaanan,
Sapagkat ito ang rason ng iba't iba kong ugnayan,
At masaya na ako ngayong namumuhay ng may Kagandahan.
-g e c y l m a r i e